Ngayong panibagong taon na naman ang dumating, uso na naman ang paggawa ng mga New Year’s Resolution. Ngunit, aminin! Iilan lang sa atin totoong nasusunod ang mga ito hanggang sa dulo ng taon. Karamihan ay hanggang sulat lamang at kinabukasan ay nakakalimutan na agad ito.
Isa sa mga kalimitang nagiging New Year’s Resolution ng karamihan ay ang pag-iipon ng pera. Isa rin ito sa pinaka-mahirap gawin kaya naman, madalas ay hindi talaga ito natutupad.
Ngunit, ibahin natin ang isang mamang ito na naging viral dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-iipon. Hindi lamang sa pag-iipon kung hindi pati na rin ang dedikasyon na maitigil ang kanyang bisyo.
Naging inspirasyon para sa karamihan ang isang Christian Luste Abila dahil sa kahanga-hanga nitong pag-iipon. Naging matagumpay ang kanyang hamon sa sarili na imbes gamitin sa bisyo ang kanyang pera, inipon na lamang niya ito. Ito ay ang kanyang YOSI IPON CHALLENGE.
Dito, imbes na gastusin niya ang kanyang pera sa umano’y mga walang kwenta niyang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom, itinatabi niya nalang ang kanyang pera upang ipunin. Aminado kasi itong si Abila na dati ay bisyo niya ang parehong pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Barya-barya man ang kanyang iniipon, malaki na rin ang halaga nito kapag pinagsasma-sama. Kaya naman nang mabuksan ang ipon ay masayang-masaya itong si Abila.
“Marahil sa iba ay maliit na halaga lang ito. Pero gusto ko lang e-emphasize na para sakin ay napakahalaga nito dahil YOSI Ipon Challenge ang naging motivation ko para matigil ko nga ‘yung mga walang kwentang bad habbits ko dati tulad ng pag inom at paninigarilyo,” ani pa ni Abila.
Ayon sa kanya, ika-22 ng Pebrero taong 2019 ng simulan niya ang pag-iipon galing sa perang dapat ay kanyang ipaninigarilyo. Kasunod umano ito ng nauna na niyang hamon sa sarili na ALAK IPON CHALLENGE, isa ring pag-iipon upang matigil naman ang bisyo niya sa pag-inom.
Ang dedikasyon ngang ito ni Abila ang siyang labis na hinangaan ng mga tao sa social media. Napabilib niya ang mga ito dahil sa kagustuhan niyang matigil ang mga maling gawain o bisyo at nang mapagtagumpayan ang sinimulang hamon sa sarili.
Dagdag pa ng ni Abila,
“Hindi naman mahirap ang pag-iipon nagiging mahirap lang ito kung wala kang dedikasyon.”
Nawa umano ay maging inspirasyon sa karamihan, lalo na sa kabataan ang ginawa niyang ito. Ani pa ni Abila, ang pagkalulong umano sa ganitong bisyo ay hindi lang nakakasama sa kalusugan, sumisira pa ito sa kinabukasan. Idiniin rin nito ang kahalagahan ng kalusugan dahil ito umano ang tutulong na maabot ang pangarap, at ng mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.
Ito umano ang kanyang magandang hugot ni Abila para sa lahat.
Ang Facebook post na ito ni Abila ay umani na ngayon ng mga positibong reaksyon galing sa mga netizen. Karamihan sa mga komento ng mga ito ay tungkol sa kung paano nakapagbibigay ng inspirasyon sa lahat ang ginawang ito ni Abila. Sana raw ay tularan ang ganitong gawain at nang hindi na maligaw ng landas ang mga kabataan ngayon.
Source: Facebook