Naaalala niyo pa ba ang dating PBB Housemate at naging 6th placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 na si Alec Duñgo? Heto na ang kanyang buhay ngayon.

Ilang taon matapos itong sumali sa PBB, natupad na ngayon ni Alec ang dati pa nitong pangarap. Isa na ngayon itong ganap na doktor.

Taong 2012 nang sumali sa PBB: Teen Edition 4 si Alec, kung saan, 17 taong gulang lamang ito noon. Naging kasabayan niya sa edisyong ito sina Karen Reyes, Joj at Jai, at Myrtle Sarrosa.

Ngunit, hindi na nakaabot sa big night ng programa si Alec. Sa ika-83 araw nito sa loob ng bahay, na evict na ito ni Kuya.


Matapos ang pagsali ni Alec sa PBB, ipinagpatuloy nito ang pag-aaral at naging isang Registered Pharmacist.

Hindi rito tumigil si Alec dahil nagpatuloy ito sa pagdo-doktor na siyang matagal na niyang pangarap. Pumasok ito sa medical school ng University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery.

Taong 2019 naman nang tuluyang magtapos sa med school si Alec at naging isang ganap na doktor.

Sa kanyang pagtatapos, hinirang pang cum laude si Alec at nabigyan ng parangal na ‘Meritissimus’.

Sa kanyang pagtatapos, inihayag niya ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng naging bahagi ng kanyang pag-aaral ng ilang taon. Sa isang Facebook post, inihayag ng Ex-PBB housemate ang kanyang naging pasasalamat sa mga ito.



Dito, ipinaabot niya ang tagumpay na kanyang nakamit. And dating pangarap lamang nito ay tuluyan niya nang naabot.

Hindi niya umano ito nagawa kung hindi dahil sa kanyang pagsisikap at pananalig. Dahil rin umano sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, nagtagumpay ito na maabot ang pangarap.

“Today, my childhood dream turned into reality. Today I became a doctor.

I would have never finished without the help of the Lord. You have blessed me so much by letting me go into med school and for helping me finish my last exam - with a bonus! Lord, You truly are amazing!

To my family… I offer this humbling achievement to you. You are my inspiration. Thank you for helping me become the beat version of myself, always.


I share this accomplishment with mg Dungo and Chai family, my relatives, and my friends who have always believed in me.

To the professors, UST-FMS staff, residents, and interna that I have met and worked with throughout my med journey, thank you.
To my patients, thank you for making me realize that it isn’t all about books. Thank you for teaching me to heal with compassion. You have inspired me to strive harder to become the best physician that I can be.




To my revalida tribemates… and to our tribunal… - thank you for the experience of a lifetime.

Finally,

Alec Brandon Chai Duñgo, RPh, MD
Doctor of Medicine
Cum Laude
Meritissimus
University of Santo Tomas
Faculty of Medicine and Surgery”

Hindi man ito hinirang na ‘big winner’ ng edisyon ng PBB na kanyang sinalihan, matagumpay naman ito sa tinatahak niya ngayong landas dahil nakamit nito ang matagal na niyang pinapangarap.

Source: artistaph