Umani ng mga paghanga at pagsaludo ang isang pulis na ito dahil sa ipinamalas nitong kabutihan sa isang matanda.

Ayon sa isang viral na Facebook post, isang pulis umano ang binili ang lahat ng panindang saging ng isang lolo na naglalako nito sa daan.

Habang naghahanap buhay sa daan ay hinarang umano ng naturang pulis si lolo.

Imbes na sitahin, binilang umano ng kinilalang si Police Officer Jojo Paguia ang lahat ng panindang saging ni lolo. Matapos nito, binili lahat ng pulis ang mga saging na inilalako ng matanda.

Ayon kay Police Officer Paguia, ginawa niya umano iyon upang makauwi na si lolo.

Naisip umano nito na mapanganib para sa matanda ang sitwasyon ngayon kaya naman, upang hindi na ito mahirapan pa at mahawa ng kumakalat na virus, binili niya ang lahat ng paninda nitong saging.


“Umuwi ka na tatang. Papakyawin ko na po itong mga paninda mo. Tirik ang araw kaya ‘wag na po kayo maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para hindi na kayo makasagap pa ng virus sa makakasalamuha mo,” ani pa umano ni Police Officer Paguia kay lolo.

Maliban dito, ang sukli umano sa ibinayad nito kay lolo ay hindi na rin hiningi pa ng pulis at ibinigay nalang sa matanda.

Dinagdagan niya pa raw ang perang ibinayad upang mas makatulong pa umano kay lolo.

Para raw umano iyon sa panggastos ni lolo sa darating na mga araw at nang matuwa umano ang pamilya nito sa pag-uwi ni lolo.

Kaya naman, dahil sa kabutihan na ipinamalas sa kanya ni Police Officer Paguia, hindi na napigilan pa ni lolo na maging emosyonal.

Naiyak umano si lolo sa magandang pangyayari sa kanya nang araw na iyon.


Hindi umano ito makapaniwala at lubos na nagpapasalamat sa tulong na ibinigay sa kanya.

Kaya naman, ang ipinamalas na ito ng naturang pulis ay hinangaan ng maraming mga netizen.

Sa kabila ng hindi magandang reputasyon ng mga pulis ngayon, marami ang natutuwa dahil mayroon pa ring mga kapulisan na mayrooong mabubuting loob.

Halimbawa na nga dito si Police Office Paguia na pinatunayang hindi lahat ng pulis ay masama.

Napuno naman ng papuri at pagsaludo ang pulis na ito mula sa mga netizen. Ani ng mga ito, sana umano ay dumami pa ang katulad nitong mga pulis na totoong mayroong mabuting kalooban para sa mga nangangailangan.


Heto ang ilan sa mga mensahe na inihayag ng mga netizen tungkol sa pulis:

“Sana lahat ng pulis kagaya mo, sir… nagbibigay ng solusyun, hindi jailer. Isa kang mabuting halimbawa.”

“Saludo ako sayo sir. Sana mga kasama mo, ganun din. Sana ligtas ka sa lahat ng oras para madami kapa matulungan.”

“Ito yong masarap i-share. Padamihin natin. God bless you, sir. Alam ko marami pa kayong katulad mo. Mabuhay kayo.  More blessing to come and keep safe always.”

“You seldom find a man like this. Police Officer Jojo Paguia, saludo po ako sa inyo. Pambihira po ang kalooban ninyo. God bless you more!”

Source: facebook