Ginulat ng aktres na si Angelica Panganiban ang marami nang magbahagi ito ng isang larawan kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend sa saktong pagsalubong ng bagong taon.

Sa Instagram, isang larawan ni Angelica at ng kanyang boyfriend ang kanyang ibinahagi sa unang araw ng taong 2021. Ngunit, hindi naka-tagged sa IG post na ito ng 34 taong gulang nga aktres ang kanyang boyfriend kaya marami ang naiintriga kung sino ito.

“Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending..” ani pa rito ni Angelica.

Samantala, agad naman na bumuhos ang mga komento at masayang pagbati hindi lamang mula sa mga netizen kundi pati na rin galing sa mga kaibigan ni Angelica na masayang masaya sa bagong pag-ibig na mayroon ang aktres.

Gaya nga ng ibinahaging komento ni Kim Chiu, isang malaking pasabog ang pagsasapublikong ito ni Angelica ng kanyang relasyon sa isang non-showbiz na lalaki. Maliban kay Kim Chiu, nanguna din sa pagbabahagi ng kanilang mga reaksyon ang mga malalapit niya pang kaibigan na sina Bela Padilla at Glaiza de Castro.

Isa rin sa mga tuwang tuwa at kilig na kilig para kina Angelica ay sina Kaye Abad, Kean Cipriano, Maymay Entrata, Direk Antoinette Jadaone, Ria Atayde, Isabel Oli, Maxene Magalona, at iba pa. 


Masayang masaya ang mga ito pati na rin ang mga netizen na mayroon nang nagpapasaya para kay Angelica na naging bukas noon sa mga pinagdaanan nito sa kanyang buhay pag-ibig.

Dahil hindi nga pinangalan ni Angelica kung sino ang non-showbiz boyfriend niyang ito, marami ang naiintriga kung sino nga ba ang naturang lalaki sa buhay ng aktres na bago nitong pag-ibig. Isang pangalnan ang lumilitaw ngayon na umano’y siyang karelasyon ni Angelica.

Ito ay ang isang nagngangalang Gregg Homan na isa raw ‘entrepreneur’ na nagmamamay-ari ng iba’t-ibang mga negosyo sa Subic Bay, Zambales at Isa itong foreigner. Buwan pa lamang ng Nobyembre nang nakaraang taon ay tinutukoy na bilang bagong pag-ibig ni Angelica si Gregg.

Natukoy din ng maraming mga netizen na ang ibinahaging larawan ni Angelica nitong bagong taon ay kinunan din sa Subic base umano sa makikitang wooden walkway sa likod ng dalawa.

Bagama’t ito ang unang pagakataon na ibinunyag ni Angelica ang tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend, ilang buwan bago ito ay mayroon nang pahiwatig ang mga malapit na kaibigan ni Angelica tungkol sa karelasyon nito lalo na noong birthday ng aktres.

Kung matatandaan, nabanggit noon ni Glaiza ang tungkol sa pagkakaroon na raw ni Angelica ng isang tao na mag-aalaga rito. Maliban kay Glaiza, mayroon ding binitawang mga clue o pahiwatig tungkol dito ang aktor at kaibigan ng aktres na si John Prats.

Bago ito, naiugnay pa nga si Angelica sa aktor at malapit din nitong kaibigan na si Zanjoe Marudo. Marami ang pilit na iniuugnay ang dalawa ngunit, mabilis nilang itinanggi ang tungkol sa isyu at nilinaw na magkaibigan lamang sila. Pinagtawanan nga lamang ng dalawa ang tungkol dito na malinaw na walang katotohanan.


Samantala, ilan sa mga tanyag na dating nakarelasyon ni Angelica ay ang mga aktor na sina John Lloyd Cruz at Carlo Aquino.

Source: dailyfeedplanet