Kamakailan lang ay nagbakasyon sa isla ng Boracay ang aktres na si Cherry Pie Picache. Base sa mga larawang ibinahagi nito, kasama nito sa naturang bakasyon ang kanyang anak. Sa nasabing mga larawan, makikita kung gaano ka-close ang mag-ina na kitang enjoy na enjoy sa kanilang bonding moment sa Boracay.

“Love building memories with this man @niotria. Thank you @thelindhotels and everyone there who made them sweeter,” ani pa nga ni Cherry Pie sa isa nitong Instagram post.

Ngunit, sa naturang mga larawan ng aktres kasama ang anak ay mukhang mayroong mga netizen na hindi alam na anak niya pala ang kanyang kasama. 

Kaya naman, sa isang IG post ni Cherry Pie ng mga beach photos nila ng anak ay napagkamalan lang naman itong isa umanong ‘cougar’. Ang ‘cougar’, base sa ilang mga interpretasyon nito sa internet, ay ang pakikipagrelasyon umano ng isang nakakatandang babae sa mas nakababatang lalaki.

“You ‘cougar’ you! Good for you. Enjoy life to the fullest,” komento pa rito ng isang netizen.

Agad naman na itinama ng aktres ang maling interpretasyong ito ng netizen sa relasyon niya sa anak. Dito, isinaad ni Cherry Pie na anak niya ang kasama nito sa mga larawan.

“He is my son and the only man in my life,” ani pa rito ng aktres.

Kaya naman, dahil sa paglilinaw ng aktres ay agad na humingi rito ng tawad ang netizen na nagbahagi ng naturang komento. Saad pa nga nito kay Cherry Pie,


“I am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again. May God continue to bless you both with endless love and togetherness. I have been your fan forever due to your beauty and spirituality.”

Isa ang aktres na si Cherry Pie sa mga artista na hindi gaanong lantad sa publiko ang kanyang personal na buhay. Ito marahil ang dahilan kaya napagkamalan na ibang tao ang kanyang anak na lalaki.

Samantala, bagama’t humingi na ng tawad sa aktres ang netizen na pinagkamalan siyang ‘cougar’, hindi naman ito nakaligtas sa pambabatikos ng mga netizen dahil masyado umanong malisyoso at mapanghusga ang komentong iyon ng netizen kay Cherry Pie.

Ani ng mga ito, imbes na alamin muna ang buong kwento o ang katotohanan ay basta na lamang umanong nanghusga ang naturang netizen na malinaw na isang mali. Heto nga ang ilan sa mga pahayag na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa maling interpretasyong iyon sa aktres:

“I just don’t get it why people thinks that way! I don’t think it’s misinterpretation. Sadyang madumi lang talaga ang pag-iisip! Sad!”

“Daming judgemental. Nagpost lang ng mas bata ang edad na lalaki, ang inisip jowa agad. Di muna nagtanong, nanghusga agad. Ang hahalay ng utak. Kakahiya kayo.”

“Isa kasi si Cherry Pie sa mga artistang hindi masyadong publicly known ang personal na buhay kaya laftrip lang noong mapagkamalang bf niya ‘yung anak niya hahaha.”


“Sakit na talaga ng mga pinoy ang pagiging mapanghusga. Basta nalang bumabanat kahit di pa alam ang buong kwento.”

Source: facebook