Naihatid na nga sa kanyang huling hantungan ang Flight Attendant na pumanaw sa Makati nitong bagong taon sa kanyang hometown sa General Santos City. 

Sa pagpanaw ni Christine Dacera, ipinagluksa ito ng kanyang mga kaibigan lalo na ng kanyang pamilya. Samantala, maging ang ex-boyfriend ng FA ay naghayag din kanyang pagdadalamhati para sa pagpanaw ng dating nobya.

Sa Twitter, nagbahagi ang ex-boyfriend nito na si Martin Vigilia ng dalawang larawan. Isa rito ay larawan ng kanilang huling pag-uusap ni Dacera kung saan, makikita ang maayos na paghihiwalay ng dalawa. Hindi kagaya ng ibang mga naghihiwalay, sina Dacera at Vigilia ay mukhang mayroong maayos na pagkakaintindihan.

Dito, sinabihan pa ni Dacera ang dating nobyo na maging masaya at alagaan ang kanyang sarili. Ani niya pa nga rito,

“I guess this is the end of it… Bye bebe koooo. Please be happyyyy…

“I’m gonna find my happiness soon…Take care beb.”

Sagot naman sa kanya ng dati nitong boyfriend, hiling niya rin daw ang kasiyahan ni Dacera. Ani pa nga nito,

“You’l be happy too stay safe always and sana magkita pa rin tayo pag matanda na tayo ha. You rest na… Goodnight beb pretty mo parin.”


Dagdag ani naman dito ni Dacera, nais niya raw na pag-usapan nila ni Vigilia ang bagong nag-aalaga rito ngayon at nais niya itong makilala. Patunay lamang na maayos ang kanilang paghihiwalay at suportado nito ang bagong nag-aalaga sa dating nobyo.

“I wanna hear you talk about her. Please. Para lang makilala ko sino ‘yung mag-aalaga sayo,” ani pa nga rito ni Dacera.

Kaya naman, sa ikalawang larawan na ibinahagi ni Vigilia, larawan niya ito kasama ang kanyang kasalukuyang karelasyon na kinunan sa burol ni Dacera.

Samantala, kahit na maayos ang paghihiwalay umano ng dalawa ay maraming mga netizen pa rin ang umano’y ramdam ang sakit sa ibinahaging larawan ni Vigilia ng huling pag-uusap nila ni Dacera.

Ani ng mga ito, mukhang ramdam umano nila ang sakit sa paghihiwalay ng dalawa kahit na tanggap nila ang sitwasyon at nangyayari. Nakakaantig din umano ng puso na kahit wala na sila ay nandiyan pa rin ang kanilang pagrespeto sa isa’t-isa.

Dagdag naman ng ilan, patunay lang din umano ang ibinahaging ito ni Vigilia na hindi si Dacera ang klase ng tao na ipinaparatang dito ng maraming mga netizen dahil lamang sa mas pinili nitong magparty at uminom noong bagong taon. Patunay lamang daw ito na si Dacera ay isang mabuti at mapagmahal na tao.

Heto nga ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa ibinahaging ito ng ex-boyfriend ni Dacera:

“This hits me! Tagus na tagus. Na kahit wala na sila yung respect at good relationship andun parin. Andun pa rin yung love kahit na in a different way na.”


“Super different sa impression na "wild" sya. I'm sorry I did judge her based on others' impression of her. I'm really sorry again. Condolence.”

“She's so pure sh3t. Kaya nga don't judge a book by its cover, lahat naman tayo may wild side pero sana hindi tayo doon magfocus especially hindi natin siya kilala personally. Rest in paradise, Christine.”

Source: facebook