Sa pinakabagong update tungkol sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa Makati City nitong unang araw ng Enero, naglabas ang media ng ilang mga kuha o CCTV footage sa hotel na tinuluyan ni Dacera ilang oras bago ito matagpuang walang buhay.

Base sa isa sa dalawang inilabas na CCTV footage ng GMA News, makikita na nagkaroon ng kahalikan si Dacera habang papasok ito sa isang kwarto sa hotel. Sa isa pang video nito ay makikita naman na binuhat si Dacera ng isa pang lalaki mula sa isang kwarto papunta sa kabilang silid ngunit, mayroon pa itong malay at nakatayo pa.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay pinakawalan na ng mga awtoridad ang tatlo sa 11 na umano’y hinihinalang suspek sa pagkamatay ni Dacera dahil kinakailangan pa raw ng masusing imbestigasyon para patunayan ang ipinaparatang sa mga ito na panggagahasa sa biktima.

Kabilang sa tatlong ito si Valentine Rosales na siyang sinasabing kasama ni Dacera sa isa sa dalawang CCTV footage na inilabas kamakailan lang. Ito umano ang makikitang kahalikan ni Dacera sa unang video.

Sa isang Facebook post, hindi man direkta ay animo’y kinumpirma ni Rosales na ito nga ang lalaking kasama rito ni Dacera ngunit, umangal ito sa inilabas na video dahil hindi raw ito buo. 


Bilang patunay, ibinahagi mismo ni Rosales ang buong CCTV footage dahil ani nito ay pinutol sa bandang huli ang kuha ng CCTV footage na ipinalabas sa telebisyon. Sa naturang video na ibinahagi ni Rosales, bagama’t nagkahalikan ito at si Dacera habang hinihintay na bumukas ang pinto ay makikitang itinulak niya ang huli upang mapigil sa paghalik.

Pahayag pa rito ni Rosales, panoorin umanong mabuti ng mga tao ang CCTV footage upang mapagtanto ng mga ito kung sino ang nagsimulang humalik sa kanilang dalawa.


“GRABE MEDIA HA? Mag eedit nanaman hindi pinakita yung buo kina- Cut lang. To clear the smoke mga bes and to everyone na nakakakilala sakin. Closely Watch who initiated it. 

“The time stamp was around 2am which is clearly early pa. Don’t fully judge without watching the whole video andami pang ek ek latik na ganap pabalik balik ng room after niyan,” ani pa nito.

Nagbigay pa rito ng mga punto si Rosales sa mga dapat na pansinin ng mga tao sa naturang CCTV footage katulad na lamang ng kung sino ang nagsimula ng halik, kung paanong ilang beses nitong pinindot ang doorbell para pagbuksan sila ng pinto, nang sabihin umano nitong ‘bes, ano ka ba’ kay Dacera matapos sila nitong maghalikan, at kung gaanong ‘MY FRIENDS AND I KNOW HOW WILD Tin CAN BE WHEN SHE’S DRUNK.’

Sa kabila ng ilang beses nilang paggigiit ni Rosales na inosente sila at wala silang kasalanan sa pagkamatay ni Dacera, hindi pa rin kumbinsido sa mga ito ang ilan sa publiko. 

Ngunit, bumuhos din naman ang paniniwala na inosente nga sina Rosales matapos ang paglabas ng iba pang mga detalye nang gabing nagkasama ang mga ito at si Dacera at matapos lumabas ang dalawang CCTV footage na ito na malaki ang epekto sa kaso.


Panoorin ang buong video dito!