Kamakailan lang ay naaksidente umano ang sinasakyang kotse ng aktor na si Jerome Ponce sa may Timog Ave. at lasing umano ito nang mangyari ang aksidente. Mayroon umanong tumulong dito ngunit, imbes na magpasalamat matapos tulungan ay itinaboy lamang umano ng aktor ang tumulong dito.

Sa isa namang Facebook post ng gamer at streamer na si Ghost Wrecker, ibinahagi nito ang tungkol sa umano’y pagtulong niya sa isang artista na hindi nito kilala ang pangalan. Ayon sa gamer, madaling araw umano nang mangyari ang aksidente at wala umanong ibang tao na pwedeng tumulong sa naturang artista at sa kasama nito.

Kaya naman, minabuti ng gamer na tulungan ang umano’y artista at nagmagandang loob na tulungan ang mga ito na magpunta sa barangay. Gamit ang kanyang sasakyan, dito ay nanghingi sila ng tuong matapos na ma-stuck umano ang sasakyan ng artista at hindi na maka-atras matapos nitong mabangga.

Ngunit, nang makabalik na sila sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi man lang umano nagpasalamat sa kanya ang artista o kahit ang kasama nito. Dagdag pagbabahagi pa ni Ghost Wrecker, animo’y pinagdudahan pa umano siya ng artista kung maayos ba raw siyang kausap.

Matapos niya raw na ibigay ang kanyang pangalan dito, maliban sa hindi na nga raw ito nagpasalamat ay basta na lamang umano siyang tinaboy ng artista habang kinukumpas pa ang kamay.

“Tas sabi ko ‘Oo, ayos akong kausap ano ba meron’. Tas sabi ko gusto mo ito name ko para sure ka. Tinulungan ka na nga. Tas sabi sakin, ‘Sige ok ok na’. Habang kumkumpas ‘yung kamay na parang sige alis ka na…

“G*go nagulat ako di man lang nag-thank you. Akala ata peperahan ko siya at fan niya ko. Tumulong ka na, niyabangan ka pa,” pagbabahagi pa nga tungkol dito ng gamer.


Marami naman ang naintriga kung sino ang tinutukoy ritong artista ni Ghost Wrecker. Hanggang sa lumabas na nga rin ang isang post tungkol sa pagkaaksidente ni Ponce at isinaad ng isang netizen na ito umano ang tinutukoy na artista ng gamer.

“Tinulungan ka ni Ghost Wrecker tapos tinaboy mo at di nagpasalamat. Sayang gandang lalaki mo may attitude ka naman,” ang saad pa nga tungkol dito ng naturang netizen.

Kaya naman, agad na nagtrending ang ginawang ito ni Ponce at umani ng mga pambabatikos mula sa mga netizen. Hindi ikinatuwa ng mga ito ang ugaling ito raw ng aktor na hindi man lang umano nagawang magpasalamat. Imbes na matuwa dahil sa tumulong dito ay itinaboy pa nito ang tumulong sa kanya.

Agad na dumami ang mga pamba-bash sa aktor kung saan, sinabihan itong mayabang o di kaya ay ma-attitude. 

Heto nga ang ilan sa ibinahaging reaksyon ng mga netizen tungkol sa umano’y ginawang ito ni Ponce:

“Eto pala yung binabanggit ni  Ghost wrecker na s*ra*lo, tinulungan na eh niyabangan pa HAHAHAHAHA!”

“Attitude talaga.”

“Sana ‘wag na tinulungan ‘yang Jerome Ponce na ‘yan saka binangga mo na din sana ‘yung mayabang na kasama.”


“Pag tinulungan kasi magpasalamat.”

Source: facebook