Sa pamamagitan ng isang TikTok Challenge kasama ang kanyang mga kaibigan, animo’y kinumpirma ng aktres na si Julia Barretto ang kasalukuyang estado ngayon ng kanyang lovelife.

Sa naturang TikTok Challenge, pipili si Julia at mga kaibigan nito sa dalawang magkaibang bagay. Ang kanila namang mga pinagpilian ay ‘single’ o ‘taken’, ‘Pinoy’ o ‘AFAM’ , ‘older’ o ‘younger’, at ‘funny drunk’ o ‘emotional drunk’.

Sa mga ito, ang pinili ni Julia ay ‘taken’,‘AFAM’, ‘older’, at ‘funny drunk’. Ang ibig sabihin ng AFAM ay isang foreigner o ‘a foreigner assigned in Manila’.

Agad naman na kinonekta ng mga netizen ang mga piniling ito ni Julia na umano’y mga ‘clue’ sa kasalukuyang estado ng lovelife ng aktres. Ayon sa mga ito, base sa naturang TikTok video ay ‘taken’ na si Julia sa isang AFAM na mas matanda kaysa rito.

Agad din nilang inugnay ang mga ito sa aktor na si Gerald Anderson na siya ngayong maugong na karelasyon daw ni Julia. Ayon sa mga netizen, tugmang-tugma sa aktor ang deskripsyon na ibinahagi ni Julia sa naturang TikTok Challenge.

Si Gerald ay 31 taong gulang na at mas matanda kay Julia ng walong taon. Hindi rin purong Pilipino si Gerald dahil ang ama nito ay isang Amerikano habang ang kanya namang ina ay isang Filipina. Sa katunayan, bilang isang Filipino-American ay tumira ito dati sa ibang bansa bago pa man pumasok sa showbiz ang aktor.

Kaya naman, ang mga hindi direktang pahayag na ito ng aktres ay nagpalakas lamang sa spekulasyon ng publiko na mayroon ngang relasyon ang dalawa. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahiwatig ang aktres tungkol sa kasalukuyang karelasyon nito na tumugma sa aktor.


Kamakailan lang, nagbahagi si Julia ng isang larawan sa Instagram kung saan, mayroon itong kasama sa loob ng kotse. Braso lamang ng naturang lalaki ang kita sa larawan ngunit, kumbinsido ang marami na si Gerald ang katabi nito rito.

Sa isa pang larawan na ibinahagi rin ni Julia sa Instagram, mayroong nakitang palatandaan ang mga netizen kaugnay ng kasalukuyan nitong karelasyon. Sa naturang larawan, mayroong suot na kwentas ang aktres kung saan, ang nakasabit na pendant ay ang letrang ‘G’.

Agad din itong iniugnay ng mga netizen kay Gerald na umano’y siyang ibig sabihin ng pendant na ‘G’ sa kwentas na suot ni Julia.

Gayunpaman, hindi kailanman kinumpirma ni Julia o ni Gerald ang tungkol sa patuloy na pag-uugnay na ito sa dalawa. Ngunit, noong nakaraang taon ay inihayag ni Julia na ‘in love’ ito ngayon ngunit, mas pipiliin niya na raw na maging pribado at hindi ihayag sa publiko ang kanyang personal na buhay.

“I am in total control of how much I am only willing to share and how much I am only allowing people to know… I’ve already come to realize how important it is to protect your peace and privacy — and that both go well together,” saad pa nga nito minsan sa isang panayam.


Samantala, taong 2019 nang unang maiugnay ang dalawa sa isa’t-isa matapos na magtambal ang mga ito sa isang pelikula. Kontrobersiyal ang pagkakaugnay na ito sa dalawa dahil kasalukyang karelasyon pa noon ni Gerald si Bea Alonzo.

Source: facebook