Sa isang pahayag sa social media ay umalma ang komedyanteng si Ogie Diaz matapos daw itong gawing halimbawa sa inilabas na pahayag ng PNP tungkol sa mga umano’y bakla na nagiging lalaki raw tuwing nakakainom.

Ang pahayag na ito ni PCol Harold Depositar ay kaugnay ng akusasyon nilang ‘rape’ sa umano’y 11 suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Ngunit, iginigiit ng mga umano’y suspek ni Dacera na maliban sa kaibigan nila ito ay bakla rin sila.

Ayon kay Ogie, bukod sa hindi umano ito umiinom ng nakakalasing na inumin, hindi rin naman umano dahil sa kalasingan kaya sila nagkaroon ng limang anak ng kanyang asawa. Hindi nito alam bakit nabaling daw sa kanya ang naturang pahayag ng PNP.

“Bakit ako ang ginagawang sampol sa ‘Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din’?

“Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing,” ani pa rito ni Ogie.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay na lamang ng mensahe si Ogie sa mga kapulisang ito na paghusayan na lamang umano nila ang isinasagawang imbestigasyon. Hindi rin ito nagdalawang isip na banggitin ang tungkol sa reputasyon ngayon ng kapulisan na naapektuhan dahil din naman sa kanilang mga gawa.


Dagdag ani niya pa nga sa mga ito, pwede naman umanong manumbalik ang tiwala sa mga kapulisan ngunit, kinailangan muna nilang ayusin ang kanila mismong hanay at mga gawa.

“Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon. Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan nyo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan… Dapat pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad — hindi takot at pangamba,” diretsahang ani pa sa mga ito ni Ogie.

“Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan eh. Pero nagsisimula yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri…Teka. Ba’t napunta na sa pulis ang usapan? So yun nga, mahusay din po ako in bed, charot,” dagdag ani niya pa rito.

Samantala, hindi lamang si Ogie ang kilalang personalidad na umalma sa pahayag na ito ng PNP tungkol sa umano’y pagiging lalaki ng mga bakla kapag nakakainom.

Maging ang kapwa komedyante ni Ogie na si K Brosas ay hindi rin napigilan na umalma sa pahayg na ito ng PNP. Ayon kay Brosas, ilang beses na umano siyang nalasing kasama ang mga bakla ngunit, kahit kailan ay ayaw naman daw siyang halikan ng mga ito.


“hoy ilang beses nako nalasing kasama mga beki, ilang beses na kaming nag spin the bottle ayaw nila ako i kiss shut@nginamez!” ani pa nga rito ni Brosas.

Ganito rin ang naging pag-alma ng aktres na si Barbie Imperial tungkol sa umano’y pagigng lalaki ng mga bakla kapag nalalasing. Natatawang ani pa nga tungkol dito ng aktres, nagiging ‘s3xbomb girls’ pa nga umano ang kanyang mga kaibigang bakla kapag nakakainom.

Source: facebook