Sa ginawang ‘True or False’ na series ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kamakailan lang sa Twitter, ilang mga katanungan mula sa mga netizen ang mga sinagot nito.

Maliban sa taglay nitong ganda, hindi rin maikakaila na isa si Pia sa may pinakamagandang hubog ng katawan na hinahangaan ng marami. Ngunit, ayon kay Pia, kagaya ng ibang mga kababaihan ay mayroon din umano siyang nararamdamang ‘insecurity’ sa kanyang katawan.

Sa isa sa mga ibinahaging tanong para kay Pia ng ilan sa kanyang mga Instagram followers, naitanong nila sa beauty queen kung nagkaroon ba umano ito ng plano na magpa-breast reduction o magpabawas ng laki ng dibdib. Hindi rin kasi maikakaila na mayroong kalakihan ang dibdib ni Pia kaysa sa pangkaraniwan.

Pagsagot at pag-amin dito ni Pia, minsan umano noon ay naisipan niya na gawin ito dahil ang laki ng kanyang dibdib ay isang insecurity niya umano noon. Noong kabataan umano ni Pia, naisipan niya umanong sumailalim sa breast reduction ngunit, hindi niya ito itinuloy dahil sa maaari raw maiwan na mga scar o peklat.


“There was a time when I was much younger that I was thinking about it but then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki ‘yung mga scars na maiiwan niya so buti na lang,” saad pa ni Pia.

Dagdag pa nga nito, noon daw kasi ay inaasar ang beauty queen dahil nga sa kanyang dibdib ngunit, kalaunan naman ay natutunan niya rin kung paano maging confident. Pagbabahagi pa nga ni Pia tungkol dito,

“Honestly, siyempre nong bata pa ako na insecure talaga ako sa katawan ko especially dito (dibdib) kasi siyempre inaasar ako sa school, nahihiya ako pero as I got older, I learned how to be more confident.”

Samantala, isa rin sa pinakatanong kay Pia ay ang tungkol naman sa kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey. Ang tanong nga tungkol dito ang isa sa mga unang sinagot ni Pia.

Naiintrigang tanong kasi ng mga Instagram followers nito sa kanya, engaged na ba umano ang beauty queen kay Jeremy? Diretsahang sagot naman ni Pia tungkol dito,

“False. Ito talaga unang tanong!? Ha-hahaha. If it was true trust me you’d know. It’s not true. And I know there’s a video on YouTube that says I’m engaged.”

Naitanong din kay Pia ng kanyang mga tagasuporta kung mas matanda ba umano si Pia kay Jeremy. Dito, natawa na lamang si Pia nang nilinaw niya na mas matanda umano sa kanya ang boyfriend na 36 taong gulang na ngayon.

“Why would you guys think that? Mukha ba akong…hahaha! He is older than me. He is 36 years old now. Baby pa ako,” ani pa ulit ng beauty queen.

Natawa lang din ulit si Pia n+ang tinanong kung moody ba umano si Jeremy bilang isang boyfriend. Pagbabahagi naman ni Pia, mukhang mas moody pa nga umano siya kaysa sa boyfriend. Kwento pa rito ni Pia,


“Okay, that is absolutely not true. In fact, parang ako pa nga ‘yung mas ano eh, ‘di ko naman masasabing mas moody, ano lang, colorful personality.”

Source: INQUIRER