Isa na namang nakakatawang video ni Alex Gonzaga ang kinaaliwan ng mga netizen at naging viral kamakailan lang online. Dito, maliban sa natawa ay nagulat din ang maraming tao, kabilang na ang fiance nito na si Mikee Morada at ate nito na si Toni Gonzaga, sa naturang viral video ni Alex.

Sa nasabing video na ibinahagi ni Alex sa Instagram, mapapanood ito na sinasayaw ang bagong kanta ni Ariana Grande na “34+35”. Ngunit, habang sumasayaw ay makikita ito na may kinuhang dalawang pandesal sa loob ng kanyang damit at malapit sa kanyang dibdib.

Kaya naman, gulat ang marami nang buksan ni Alex ang damit nito dahil akala nila ay malalantad ang dibdib ng aktres at vlogger. Mabuti na lamang ay agad naman na nilinaw ni Alex na mayroon itong suot na ‘bandeau’.

“Kain tayo mars habang sumasayaw ng pa-challenge mo.. @arianagrande **may bandeau po ako** labyu @mikee_mo,” ani pa rito ni Alex.

Ngunit, hindi pa rin maikakaila na nagulat sa ginawa ng aktres ang maraming mga netizen at ang ilang mga celebrity. Kabilang nga sa mga ito sina Melay Cantiveros, Jessy Mendiola, Angeline Quinto, Coleen Garcia, at iba pa.

Hindi rin nagpahuli ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga na agad nag-iwan ng komento sa viral video ng kapatid. Dito, ayon kay Toni ay mukhang nawala na naman umano sa wisyo si Alex.

“Wala na naman sa wisyo to ah,” ani pa nga ni Toni.

Nakakatawa naman ang iniwang sagot dito ni Alex. Ayon dito, nakalimutan niya nga pala umanong i-block ang kapatid kaya nakita nito ang kanyang ibinahaging video. Ani pa nito sa nakakatandang kapatid,

“Ehe di pa pala kita nablock.”


Samantala, gaya ng inaantay ng marami, napa-react din sa video na ito ni Alex ang kanyang fiance na si Mikee Morada. Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Alex ang naging reaksyon dito ng fiance na animo’y sinisita ang aktres sa ginawa nito.

“Ano naman ‘yan bi. Pangit nung ginawa mo,” ani pa sa kanya ni Mikee.

Depensa naman dito ni Alex, “It's [funny]. Bread of life puuu.”

Saad naman ni Alex tungkol sa reaksyong ito ni Mikee sa kanyang viral video,

“Patay. Nag-react na si Mister Morada.”

Samantala, pinakahinihintay naman ng maraming mga netizen ay ang magiging reaksyon umano dito ng mommy ni Alex na si Mommy Pinty. Sa mga vlogs ni Alex, madalas ay nakikita ng mga netizen ang mommy nito kaya ani nila, mukhang nai-imagine na raw nila ang naging reaksyon nito sa viral video ng anak.

Komento pa nga tungkol dito ng ilang mga netizen,

“Bwahahahahahahahaha kakaloka ka AG!!! Paki-message ako sa reaction ni Mommy Pinty, Daddy Bonoy and Tin dito sa video na ito ha!”

“‘Ano ka ba naman Catherine’. I can hear her mom saying this!”

“ahahahahahhaha nakita na ba ‘to ni mommy pinty?”


“Mommy Pintyyyyyyy!!!! Hahahahahahahahahahaha

“Mommy Pinty, si Alex ohhh. Pakikurot!”

“Sa lahat ng artista, ito lang ang nagpapakatotoo! Walang arte, walang keme, bargas kung bargas. Ganitong klase masarap maging tropa eh.”

Source: facebook