Marami ang kinilig sa prenup video at pagbabalik tanaw ng bagong kasal na sina Jay-R Apruebo at Christill Quijano sa unang beses nilang pagkikita o ang simula ng kanilang pagmamahalan.

Trending ngayon ang mga larawang ito ng dalawa kung saan, ipinapakita na unang nagkrus ang landas ng mga ito sa isang pampasaherong bus kung saan, si Christill ay isa lamang sa mga pasahero dati ng kanya na ngayong mister na si Jay-R.

Sa kanilang pre-wedding photos na trending ngayon sa social media, makikita ang pagbabalik tanaw nina Jay-R at Christill sa kanilang unang pagkikita sa isang Bachelos bus sa Davao. Kaya naman, hindi mapigilan ng maraming mga netizens na kiligin sa mga larawan at kwentong ito ng dalawa at mapasabi na lamang ng ‘Sana All’.

Samantala, ang mga larawang ito nina Jay-R at Christill ay kinunan naman ng isang Melvin Angeles Tello. Sa ngayon, maliban sa kanilang orihinal na post ng naturang mga larawan, iba’t-ibang mga netizens na rin ang kanya-kanyang nagshe-share ng mga ito dahil sa kakaibang konsepto at storya ng naturang pre-wedding photoshoot.

Sino nga naman ang mag-aakala na ang dating pasahero mo lamang sa bus ay siya na ngayong iyong magiging asawa at makakasama habang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatagpo ka ng pag-ibig sa ganitong paraan kaya para sa maraming mga netizen, espesyal ang storyang ito ng pagkikita at pag-iibigan ng dalawa.


Pabirong ani pa nga ng mga ito, kung sa bus lang naman umano pala nila matatagpuan ang kanilang pag-ibig at mapapangasawa, mukhang mapapadalas na umano ang pagsakay nila sa naturang mga sasakyan.


Sana raw ay matagpuan din nila ang kanilang mamahalin kahit hindi man sa parehong paraan. Ang mahalaga raw ay parehong pagmamahal din ang uusbong sa kanila na kagaya ng dalawa ay hahantong din sa kasalan at pagbuo ng pamilya. 

Gayunpaman, hiling ng mga ito na magtagal ang pagsasama nina Jay-R at Christill at maging matatag ang bubuuing pamilya ng mga ito. Sana rin daw ay makatagpo ang marami ng pag-ibig na gaya ng natagpuan ng dalawa.

Hindi nga maikakaila na maliban sa pagbibigay kilig ay inspirasyon din ang hatid ng kwentong ito nina Christill at Jay-R para sa mga taong hindi pa rin nakakatagpo ang kanilang mamahalin at makakasama habang buhay.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na isang totoong estorya ng pag-iibigan ang nagbigay ng kilig at inspirasyon sa marami. Dahil sa social media, agad na nagtetrending ang mga katulad nito na siya namang ikinamamangha at ikinatutuwa ng mge netizen.

Galing sa iba’t-ibang Facebook post mula sa iba’t-ibang mga netizen, nagtetrending ang isang kwento na kadalasan ay dahil sa pagiging kakaiba, inspirasyonal, at kapupulutan ito ng aral. Agad itong kumakalat sa social media at umaani ng kabi-kabilang reaksyon mula sa mga netizen.


Gayunpaman, hindi lamang mga positibong estorya o pangyayari ang madaalas na nagiging trending o viral sa social media. Minsan, maging ang mga hindi magagandang bagay ay nagiging trending din. Ngunit, ito naman ay dahil sa naaani nitong pambabatikos at negatibong komento mula sa mga netizen.

Source: facebook