Kamakailan lang ay nagbahagi ng isang Instagram post ang aktres at komedyante na si Kiray kung saan, suot nito sa kanyang leeg ang isang mamahaling scarf na tuwang-tuwa namang inilahad ni Kiray.

Ang scarf na ito ay galing sa luxury brand na Gucci kaya naman, hindi na nakapagtataka ang presyo nito na ayon kay Kiray ay Php16,000. Ngunit, marami man ang namangha ay marami din ang tumaas ang kilay at naghayag ng panlalait tungkol sa mamahaling scarf na ito ng aktres.

“My 16k gucci scarf from @luxonlinephofficial! Huhuhu di ko na talaga matutubos mga pamangkin ko. HAHAHAHAHAHA! I love you ate @anna_magkawas! Salamat ate,” ang caption pa nga ni Kiray sa kanyang Instagram post.

Bagama’t ang ilan ay may halong biro ang ginawang panlalait, mayroon ding ilan na talagang pinintasan ang aktres dahil sa suot nitong scarf. Ani ng mga bashers na ito, hindi raw kasi umano mukhang mamahalin ang scarf nang isinuot ni Kiray.

Maliban dito ay mayroon ding iba na sinabihang mayabang umano si Kiray dahil sa pagbili nito nang ganoon ka mahal na scarf. Saad pa nga ng mga nambabatikos dito ay hindi naman umano bagay kay Kiray ang scarf.


Heto nga ang ilan sa mga panlalait na inihayag rito ng mga bashers:

“Nagmukang 600 nung sinuot mo.”

“Hahaha bakit parang mas mahaba pa yung scarf sayo lol.”

“Hilig mo sa libre, tinalo mo pa si lovee, mayabang sa set, pabida lang may pa-free food lagi! Charity.” 

“Kinakabahan ako sayo @kiraycelis baka susunod na mababasa ko nasangla muna nanay at tatay mo hahahaha.”

Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong komento na ito tungkol sa aktres, mas nangibabaw pa rin naman ang mga tagpagtanggol ni Kiray at ang mga papuri para rito. Ani pa nga ng mga netizen na ito, hindi umano nila alam kung saan nanggagaling ang mga pamimintas na ito ng mga netizen kay Kiray.

Samantala, ani ng mga tagasuporta ng aktres ay wala naman umanong masama kung bumili si Kiray nang ganoon ka mahal na gamit dahil pera niya naman ang ginamit sa pagbili nito. Dagdag pa nga ng ilan, pinaghirapan umano ito ni Kiray at hindi pagmamayabang na matatawag ang pagreregalo sa sarili.

Heto nga ang ilan sa mga komentong ito ng mga netizen na ipinagtanggol si Kiray:

“Wow bongga naman po nyan @kiraycelis.”

“Di n’yo naman pera pinambili niya. Bakit dami n’yo hanash? Mga Pilipino talaga. Kapag inggit, pikit!”

“Naku! Hanep din ang mga nagcomment ng nega dito. Hello! It’s normal to buy expensive things sa sarili lalo na kung malaki naman sinasahod mo. Kung kapiranggot lang sahod mo, ay bumili ka nalang ng fake!”

“Ang mahalaga, di niyo pera ang pinambili nya. Sorry sa mga can't afford na bitter dito.”


“Go girl! Everyone deserves a 16k scarf! Kung kaya naman why not!”

Mukhang dedma naman kay Kiray ang mga pambabash na ito sa kanya ng ilang mga netizen dahil wala itong anumang pahayag na inilabas tungkol dito. Gaya nga ng sinabi ng kayang mga tagasuporta, wala itong dapat na ipaliwanag dahil walang masama sa pagbili nito ng mamahaling Gucci scarf.

Source: INQUIRER