Hindi na napigilan ng maraming mga netizen na manggalaiti sa isang mayaman ngunit aroganteg lalaki na nakakotse na muntikan nang makabangga ng isang lalaking nakabiskleta. Imbes kasi na humingi ito ng tawad sa lalaking muntik nang maaksidente dahil sa kanya, ito pa ang lumalabas na galit at animo’y naagrabyado.

Base sa isang viral clip na ibinahagi ng netizen na si Mark Jandy J. Ortillano, makikita kung paano nagmalaki ang isang mamang nakakotse sa isang lalaking nakabisikleta. Minaliit lang naman kasi nito ang naturang bisikleta dahil di hamak na mas mamahalin daw dito ang kanyang kotse. 

Hinarangan lang naman ng mga ito at pinagtulungan ng kanyang mga kasamahan ang isang naka-bike na muntik na sanang madisgrasya dahil sa kanila. Imbes na ang mga ito ang magpakumbaba ay ang mga ito pa ang mistulang galit sa biker at pinagtatalakan ito.

Ayon pa nga sa naturang aroganteng lalaki, kayang-kaya niya raw na ipa-ospital o ipagamot ang naturang naka-bisikletang lalaki kung nadisgrasya man daw ito. Ngunit, hinding-hindi raw nito kayang ipaayos ang kanyang kotse kung siya naman ang sakaling nadisgrasya.

Wala umano itong magiging pambayad kung sakaling nagasgasan ng nakabisikleta ang kanyang kotse. Tinanong niya pa nga ito tungkol sa presyo ng kanyang bisikleta na umano’y malaki ba umano ang halaga.


“Parang kayo pa po ang  na-agrabyado! Eh, ako na nga itong muntik madisgrasya,” ang ani raw ng nakabisikletang lalaki sa matandang lalaking nakakotse na pinag-initan siya.

“Bakit ? Mahal ba ‘yang bike mo? Kapag nadisgrasya ka, ipapa-hospital kita. Kaya kitang ipagamot. 

“Eh, ‘pag nagasgasan mo sasakyan ko, may pambayad ka ba?” ang mayabang naman na naging tugon dito ng nakakotseng lalaki.

Kaya naman, hindi napigilan ni Ortillano na malungkot sa sinapit ng lalaking nakabisikleta. Nakakalungkot umano na madali lamang para sa mga mayayaman na tumapak ng mga tao. Saad pa nga nito,

“Parang mas gusto pa noong matandang mayaman na may ma-disgrasya kaysa magasgasan sasakyan niya. Kayo na bahala humusga!

“Madami dami na kasing pangyayaring ganito na porket mayaman ay basic na lang sa kanila na umapak ng tao.”

Dagdag ani pa nito, maikli lamang daw ang nakunan niyang video dahil tiningnan na umano siya ng mga ito at baka madawit pa siya sa gulo. Gayunpaman, sapat na ang maikling video clip na iyon para maging malinaw sa mga netizen ang ginawang pangmamaliit ng mga mayaman umanong lalaki sa lalaking nakabisikleta lamang.

Ani pa nga ng ilang mga netizen, kung tutuusin ay mayroon naman umanong mga bisikleta na mas mahal pa ang presyo kaysa sa ilang mga sasakyan. Kung tinitingnan sa video, hindi rin naman umano kamahalan ang gamit na sasakyan ng lalaki para magmayabang umano ito ng ganoon.

Kaya naman, kabi-kabilang pambabatikos pa ang natanggap ng lalaking ito na nagmayabang at naging arogante dahil lamang sa nakakotse ito at ang isa ay nakabisikleta lamang. Binatikos ng mga ito ang pagiging mayabang umano nila nang wala sa lugar.


Sa ngayon ay umabot lang naman na sa mahigit 553,000 ang naaaning views ng naturang video at patuloy pa itong dumadami. Samantala, galit naman ang karamihan sa mga ibinahaging reaksyon dito ng mga netizen.

Panoorin ang buong video dito!