Matagal nang spekulasyon ng marami ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Coco Martin at Julia Montes. Ngunit, kailanman ay hindi umamin tungkol dito ang dalawa.

Samantala, dahil sa pagkawala ng karakter ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kapares o katambal ni Coco Martin, mayroong mga nagsasabi na handa na raw umamin si Coco sa relasyon nila ni Julia.

Dahil hindi na mahahati ang suporta ng mga tao sa kapareha ng karakter ni Cardo, unti-unti ay ibubunyag na raw ng mga ito ang kanilang matagal nang rekasyon. Sa isang artikulo nga na inilabas ng ‘Bandera’, isang source umano nila ang nagsabing unti-unti ay aamin na raw sina Julia at Coco.

“Abangan mo, inuunti-unti na, eh. Mga naglalabasang pictures nila sa social media. Wala nang sagabal kasi nu’ng nandoon pa si Y (tawag kay Yassi Pressman) sa Probinsyano, siyempre sa kanila ni Cardo nakatutok ang kuwento, tapos aamining sila ni Juls. Mahahati ang reaksyon ng tao,” ani pa nga raw nito.

Sina Julia at Coco ay naging magkatambal sa matagumpay na teleseryeng ‘Walang Hanggan’ noong 2012. Labis na sinubaybayan ng publiko ang teleseryeng ito dahil sa magandang kwento at mahusay na pagganap dito ng mga bidang sina Julia at Coco.

Mula nang matapos ang teleserye ay ilang beses pa ulit na naging magkasama o magkatambal ang dalawa sa parehong telebisyon at pelikua. Dito na rin nabuo ang mga tsismis ng pagkakamabutihan ng dalawa.


Bagama’t mayroon umanong mga ebidensya na nagpapatunay nito, kailanman ay hindi umamin sina Julia at Coco sa kanilang totoong relasyon. Gayunpaman, hindi naman maikakaila na espesyal ang mga ito sa isa’t-isa at nakasuporta ang mga ito palagi sa isa’t-isa.

Hanggang sa nagkaroon nga ng pagkakataon na pansamantalang nawala sa industriya si Julia at nanatili muna sa ibang bansa kasama ang ama nito na matagal niya ring hindi nakasama. Ngunit, spekulasyon ng marami ay nagbuntis umano si Julia sa anak nila ni Coco.

Hindi rin kailanman sinagot ni Julia at Coco ang tungkol sa tsismis na ito. Nang magbalik naman sa Plipinas si Julia ay nakagawa pa ito ng ilang mga proyekto ngunit, dahil sa pandemya ay nanatili na rin muna si Julia sa kanyang tahanan.

Hindi naman sekreto na magkalapit lamang ang mga bahay nina Julia at Coco. Minsan, sa ilang mga larawan na ibinahagi ng dalawa ay mayroong napansin ang mga netizen na nagpapatunay umano sa lahat ng mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Sa isa umanong larawan ng kusina ni Coco ay mayroon pa umanong nahagip ang mga netizen na isang feeding bottle na para raw sa anak nila ni Julia. Minsan din ay nagkaroon ng parehong background ang dalawa sa kanilang mga IG post.


Kaya naman, hindi umano maikakaila na totoo ngang may relasyon ang dalawa. Para naman sa kanilang mga tagasuporta, naiintindihan daw ng mga ito kung gusto nina Coco at Julia na maging pribado ang kanilang relasyon. Ang mahalaga umano ay masaya ang mga ito sa isa’t-isa at nakahanda silang suportahan palagi ang mga ito. 

Source: INQUIRER