Wala pa rin sa bokabolaryo ng ina ni Christine Dacera, ang namayapang flight attendant noong bagong taon,  ang sumuko para mahanap ang umano'y tunay na rason sa pagkamatay ng anak. 

Sa kabila ng ilang mga ebidensya at maging resulta ng medico-legal na isinagawa sa anak kung saan, lumalabas na natural ang naging sanhi ng pagkamatay nito, ipinipilit pa rin ni Sharon Dacera na mayroong fowl play na nangyari. 

Sa kabila ng apila sa kanya ng nga kaibigan ng anak na siya ring naging pangunahing suspek sa kaso, idinidiin ni Sharon na magsabi na lamang daw ng katotohanan ang mga ito. 

“Ang akin lang naman po, sana makonsensiya sila na magsabi ng totoo. Sabi nila, mahal nila si Tin, e, bakit nagkaroon ng mga galos, yung mga bruises yung anak ko? Sa’n yun galing, e, kayo lang magkakasama, e?” ani pa nga ni Sharon sa isang panayam dito ni Luchi Cruz-Valdes. 

Kaugnay nito, naibahagi rin ng ginang na komunsulta na umano sila sa isang psychic upang na kumausap sa kaluluwa ng anak. Ayon umano rito, mayroon daw kaibigan si Christine na tumraydor sa kanya. 


“Kasi, Ma’am, nagpa-psychic kami. So, kung ano yung sinabi nu’ng spirit ni Tin, na she was really betrayed by a friend…

“So, paulit-ulit talaga na nagsasabi si Tin na she was really betrayed by a friend,” ani pa nga ulit ni Sharon. 

Bagama't ayon sa batas ay hindi katanggap-tanggap ang ganitong klase ng ebidensya, ayon kay Sharon ay ginagawa niya lamang umano ang lahat ng kaniyang makakaya para sa paglabas ng umano'y katotohanan sa pagpanaw ng anak. 

Sobrang sakit umano ng nangyaring ito para kay Sharon kaya marahil ay hindi nito matanggap ang paulit-ulit na apela sa kanya ng mga kaibigan ni Christine na sila ay inosente sa pagkamatay ng kanilang kaibigan. Ani niya pa nga para sa mga humusga umano sa kanyang anak, 

“Siyempre we are looking for, yung tinatawag natin na lahat ng paraan na ginawa ng isang nanay kung ano ba talaga ang nangyari sa anak niya...

“Ako, wini-wish ko na lang na hindi rin mangyari sa kanila yung nangyari sa anak ko kasi masakit, sobrang sakit.”

Kahit ano umanong mangyari ay ipaglalaban ni Sharon ang pagtuklas sa katotohanan tungkol sa pagpanaw ng anak dahil mahal niya raw ito. Idinidiin pa rin nito na 'biktima' lang rin ang kanyang anak at mayroong nangyaring foul play sa pagkamatay nito.

“Siguro we always love our children. We are always doing the best for our children. So, sa pagkawala ni Christine, I feel the injustice to what had happened to her. So ngayon, kahit sa anong paraan, ipaglalaban ko ang anak ko…

“Anak ko si Christine, mahal namin si Christine. I’m proud of my daughter. We are proud of her. Nabiktima lang ang anak ko,” saad pa nga nito. 


Patuloy pa rin na hinihintay ngayon ng pamilya Dacera ang resulta ng isinagawang hiwalay na imbestigasyon ng NBI para sa kaso ni Christine. Maging ang resulta ng DNA test na isinagawa sa ilang mga organs umano ni Christine ay hinihintay rin nila.

Source: INQUIRER