Ikinagulat umano ng marami ang balita na mayroong nangyaring insidente sa pagitan ng mga hosts ng ‘Happy Time’ na sina Kitkat at Janno Gibbs. Ayon sa ulat ng Bandera, ito umano ay nangyari nito lamang Huwebes ng gabi.

Nag-tetaping umano noon ang programa sa studio ng Eagle Broadcasting Station nang bigla na lamang umanong nagalit si Janno sa co-host niyang si Kitkat. Ayon sa ulat, ang pangyayari ay ikinagulat hindi lamang ng mag audience ng show kundi pati na rin ng mga staff nito.

Noong una, inakala pa umano ng mga ito na prank lamang ang nangyayari. Sa studio ay minura umano ni Janno si Kitkat at galit na galit dito. Ayon pa nga sa mga nakasaksi ay ilang beses umanong nagmura rito si Janno.

Nang araw na iyon, nandoon ang mang-aawit na si Marc Sison bilang guest sa segment na ‘Kantanungan Segment’. Mayroon umanong kinalaman sa segment na ito ang nangyari kay Janno at Kitkat. Dahil umano dito kaya marahil ay napikon daw si Janno at ipinahiya ang co-host.

“Ang dating po sa amin ay napikon po si Janno kasi naunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco sa Kantanungan na game. Tapos nagalit na kung ano-ano na sinabi. Si Marco po ang kalaban niya, si Kitkat po siya ‘yung nagho-host.

“Sabi ni Janno na kinakampihan ni Kitkat sina Marco at team niya. Tapos kapag may sinasabi na si Kitkat, pinapahiya na ni Janno, binabara ganu’n. Nakita po namin naiiyak na si Kitkat,” pagbabahagi pa nga ng isa sa mga nakasaksi ng pangyayari.


Ani ng mga ito, hindi raw sila makapaniwala sa ginawa ni Janno kay Kitkat. Wala na lamang umanong nagawa noon ang komedyante at napaiyak na lamang habang si Janno naman ay tuluyang umalis. Dagdag kwento pa ng mga ito,

“Rehearsal pa lang ‘yun nang umalis na si Janno. Hindi na bumalik. Si Kitkat mag-isang nag host, wala na siya kasama.

“Nu’ng umalis si Janno, doon lang nakita ni Marco totoo pala niyakap niya si Kitkat may sinasabi si Kitkat kay Marco hindi namin narinig. Grabe pala si Janno, napatol sa babae, minumura babae.”

Samantala, nang mangyari ang insidente ay wala umano sa taping si Anjo Yllana na isa rin sa mga host ng programa. Kaya naman, hindi ito mahingan ng opinyon tungkol sa nangyari. 

Ayon naman sa ulat ng Bandera, sinubukan umano nila na kunin ang pahayag ni Kitkat tungkol sa nangyari ngunit, hindi umano ito tumutugon. Hanggang sa mayroon umanong nakapagsabi sa kanila sa planong hakbang na gagawin ni Kitkat dahil sa pammahiya rito ng co-host.

Ayon dito, mayroon na umanong kinukunsultang abogado si Kitkat upang alamin kung ano ang pwede niyang kaso na idemenda laban sa pamamahiya sa kanya ni Janno. Gayunpaman, wala pa rin umanong opisyal na pahayag tungkol dito galing kay Kitkat.

Samantala, wala pa rin umanong pahayag tungkol dito si Janno. Maging ang kanilang programang ‘Happy Time’ ay wala rin umanong inilababas na pahayag sa ngayon.


Source: INQUIRER