Kadalasan, lalo na sa Pilipinas, ang mga bisita sa kasal ang siyang nagdadala ng regalo para sa bride at groom. Mayroong mga regalong bongga at mamahalin, ngunit mayroon ding mga regalong espesyal pa rin kahit mura lang ang halaga.

Ngunit, kakaiba ang viral na bagong kasal na ito dahil isang espesyal na regalo ang handog ng groom para sa kanyang bride. Hindi lamang ito espesyal dahil hindi rin biro ang halaga ng naturang regalo.

Sinurpresa lang naman ng groom na ito ang kanyang napangasawa ng isang bagong Ford Mustang na kakabili lamang nito ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa mismong araw ng kanilang kasal ay hindi halos makapaniwala ang bride na si Yuni sa regalo sa kanya ng kanya na ngayong asawa.

Ikinamangha naman ng mga netizen ang regalong ito ng naturang groom sa kanyang bride na napakaswerte umano. Ngunit, mas nawindang at namangha pa ang mga ito na hindi pa naman ganoon katanda ang dalawa at sa katunayan ay 18 taong gulang pa lamang ang groom.

Kaya naman, ani ng mga ito ay galing umano sa isang mayamang pamilya ang lalaki kaya ganoon lamang kadali para rito ang bumili ng ganoon kamahal na regalo para sa kanyang napangasawa.

Ngunit, malayo pala sa teoryang ito ng mga netizen ang totoong kwento sa likod ng bagong kasal na si Yuni at kanyang asawa at ang regalo nitong mamahaling kotse sa kanya.

Taliwas sa iniisip ng marami, hindi umano sila nagmula sa mayamang pamilya ng kanyang asawa. Ngunit, sa murang edad ay nagtayo silang dalawa ng sarili nilang negosyo na kalaunan ay kanilang napalago.


Ito ay ang pagbebenta ng gatas ng kambing na pinagsikapan nilang palaguin. Pagbabahagi pa ni Yuri, kahit nga raw motorsiklo ay wala sila ng kanyang asawa at madalas ay umaasa lamang sa mga sasakyan ng kanilang mga kamag-anak.

Nang lumago raw ang kanilang negosyo, akala umano ni Yuri ay bibili lamang sila ng second hand na sasakyang Myvi. Ngunit, ilang araw bago ang kanilang kasal ay dumagsa umano ang order sa kanilang negosyo at kumita sila ng malaki-laki.

Kaya naman, naisipan daw ng asawa ni Yuni na isang mas magandang kotse ang kanilang bilhin para sa kanila. 

Ngunit, hindi nito inaasahan na sa mismong araw ng kanilang kasal ay susurpresahin siya ng kanyang mister ng isang mamahalin at brand new na Ford Mustang. 

Sa video na kuha ng nangyaring pagsurpresa sa kanya, halos maiyak si Yuni sa pagkabigla at tuwa sa tumambad na regalo para sa kanya. Napayakap na lamang ito sa kanyang asawa na kita rin ang tuwa para sa kanyang bride.

Gamit daw ang kanilang kinitang pera sa negosyo at naitabing ipon, nabayaran ng cash ng kanyang mister ang naturang sasakyan at kanilang-kanila na ito nang surpresahin siya ng asawa sa kanilang kasal.


Kaya naman, ganoon na lamang ang pagkamangha ng maraming netizen hindi lamang sa regalo ng mister ni Yuni para sa kanya kundi pati na rin sa kanilang pagsisikap sa  buhay at pagmamahal sa isa’t-isa.

Source: rachfeed