Natuldukan na rin sa wakas ang matagal nang spekulasyon ng mga netizen tungkol sa tunay na namamagitan o relasyon ng mga artistang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Sa patuloy na pagsubaybay at pag-usisa ng pep.ph sa tunay na namamagitan sa kanila, inamin na sa wakas ng mga ito na kumpirmadong mayroon nga silang relasyon.

“May relasyon kami, oo,” ang diretsahang sagot ni Derek matapos ang makailang ulit na pag-ususa rito ng pep.ph.

Pagbabahagi pa ni Derek sa kanilang relasyon, hindi umano kagaya ng isang normal lamang na relasyon ang relasyon nila ni Ellen. Kwento pa nga nito, parang wala umanong ligawan na naganap sa kanila.

“Wala, wala... It’s not a normal relationship. Hindi siya yung may parang ligawan. It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’,” saad pa nito.

Mukhang napareact naman umano si Ellen at sinabing baka sabihin daw ng mga tao na siya pa ang nanligaw kay Derek. Kaya naman, binigyang diin ng 44 taong gulang na aktor na siya naman umano ang nagyayaya kay Ellen.

“Huy, baka sabihin nila na ako nanliligaw sa 'yo,” ani pa nga rito ni Ellen.

“No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun,” ang mabilis namang paliwanag dito ni Derek.


Dagdag pagbabahagi pa ni Derek, parang nagkaroon umano ng ‘spark’ nang una silang magkakilala ng 32 taong gulang na aktres. Kahit nasa isang buwan pa lamang ang kanilang relasyon ay marami na raw silang napagdaanang mga masasayang pagkakataon. Minsan ay nagkakatampuhan na nga rin daw sila ng aktres.

“Uhm, tama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra… Well, di ba, sabi niya [Ellen], one month, feels like one year.

“Like, walang dull moment. Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan... lahat meron na,” ani pa nga ulit tungkol dito ng aktor.

Kaya naman, dahil na rin daw sa kakulitan ng mga tanong tungkol sa kung ano talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon, diretsahan na nitong inamin na mayroon nga silang opisyal na relasyon ni Ellen.

“May relasyon kami, oo,” diretsahang saad pa ulit ni Derek.

Noong nakaraang taon lamang mula nang kumpirmahin ni Derek na hiwalay na ito sa aktres na si Andrea Torres. Samantala, mayroon namang anak si Ellen mula sa dati rin nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz.


Enero nitong taon nang unang magkaroon ng spekulasyon ang mga netizen na mayroong namamagitan kina Ellen at Derek matapos madalas na makita ang mga ito na magkasama. Nagbabahagi rin ang mga ito ng mga larawan kasama ang isa’t-isa. 


Kamakailan lang, namataan din ang dalawa sa isang trip o bakasyon sa Batangas kung saan, nakasama pa nga ng mga ito ang anak ni Ellen na si Elias. Magkasama rin umano ang mga ito na ipinagdiwang ang Valentines day. 

Noong una, dahil lamang umano sa pagiging magkapitbahay kaya madaalas magkasama ang mga ito ngunit, kumbinsido pa rin ang marami na higit pa sa pagiging magkapitbahay ang kanilang relasyon.

Panoorin ang buong video dito!