Sa mahabang pamamahinga at pananahimik ng sikat at na-miss na aktor ng marami ay spotted muli ang aktor na si John Lloyd Cruz sa Sorsogon. Ikinatuwa naman ng nasorpresang netizens lalong-lalo na ng fans nang mapansin ang malinis at new look ng aktor sa kumakalat  na litrato nitong kinuha sa Sorsogon.

Sa taong 2017 nagdesisyon ang aktor na umalis na muna sa showbiz ng walang binanggit na dahilan sa publiko maliban na lamang sa mga personal na dahilan nito. Kahit na sinubukan ng aktor ang magpahinga muna sa showbiz ay maraming litrato nito ang ibinahagi sa social media lalo na noong nanirahan muna ito sa Cebu.

Sa Instagram account ng isang fan page ng aktor ay mayroong ibinahaging litrato ito na ibang-iba sa nakasanayang look ng aktor na noon ay mayroong mahaba at wavy na buhok ngunit sa tinutukoy na litrato ay ipinakita nito ang bagong gupit nito o clean-cut look kung tawagin.

Sunod-sunod na nagsilabasan naman ang iba pang litrato ng aktor..

Matatandaan na noong November 2019 ay naging laman ng mga balita ang aktor nang napansin ng netizens ang kanyang inahit na balbas para sa isang endorsement.

Ngayon maraming netizen ang umaasa na sana ay matuloy ang reunion movie ng tambalang nagpakilig ng mga Pilipinong manonood, tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nakatakda sanang ipalabas ngayong 2020. Isang dream project ng Star Cinema ang reunion movie na ito.


Ayon kay ABS-CBN Films Production managing director, Olivia Lamasan na sa Florence, Italy sana ito ishoo-shoot. Isang romance at drama na pelikula sa direksyon ng magaling at sikat na direktor na si Direk Cathy Garcia ngunit dahil sa pandemya ay hindi natuloy ang plano. Sinabi nito na sinubukan nilang i-adjust ang pelikula sa Pilipinas ngunit hindi pa din daw ito umabot. Inihayag naman nito ang hiyang naramdaman sa naudlot na reunion movie nina Bea at John Lloyd dahil isang taon na daw nang hinintay nila ito. Hiniling niya na sana ay hindi sila magtampo sa nangyari.


Sa kabila nito ay patuloy silang umaasa na dumating ang araw na maging kabilang sila Bea at John Lloyd sa mga co-creators.

Hindi naman maiwasang maging emosyonal ni Olivia Lamasan nang pinuri niya ang iba pang mga artistang tumanggap sa mga proyekto ng ABS-CBN sa gitna ng malaking pagbabagong naidulot hindi lang ng pandemya kundi higit na ang tuluyang pagpapasara ng kanilang network. Kabilang sa mga pinuri nito ang tambalang KathNiel at sa walang kupas na TV host na si Toni Gonzaga na tumanggap sa trabahong maging host ng programangI Feel You.

Ang mga larawan ni John Lloyd sa Sorsogon na nag-viral ngayon ay kinuha umano habang nag-shooting ito sa comeback movie niyang Servando Madamag sa direksyon ni Lav Diaz.

Marami ang nakapansin na tila mas ikinagwapo ng aktor ang bagong gupit nito. Bagay na bagay sa kanya sa madaling salita.



May kahabaan man ang panahon na nanahimik ang aktor ay hindi pa din  ito nawalan ng fans. Sa katunayan ay mas lalong dumadami ang fans na patuloy siyang inaabangan sa kanyang pagbabalik pelikula.

Source: thepader