Sa Cebu, marami ang humanga sa pag-iibigan na ito ng isang lalaki na mayroong kakaibang kondisyon at ng kanyang girlfriend. Pinatunayan kasi ng mga ito na hindi hadlang ang pisikal na kaanyuan para sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Isang magaling na skateboarder mula sa Cebu ang nakatagpo ng kanyang mamahalin sa kabila ng kanyang kakaibang pisikal na kondisyon. Ayon kay Zingzong, bata pa lamang umano ay napansin na ng mga ito na mayroong kakaiba sa kanya. 

Hindi umano maayos na nadevelop ang mukha at maging ang katawan ni Zingzong kaya mukha itong deformed. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging kakaiba ng kaanyuang ito ni Zingzong mula sa iba, hindi ito hadlang upang gawin niya ang kanyang mga hilig at makatagpo ng babaeng kanyang mamahalin.

Noong una ay nakilala si Zingzong dahil sa kanyang galing sa paglalaro ng skateboard. Hindi man ito kasinggaling ng mga batikang manlalaro sa larangan ng skateboarding, ipinagmamalaki naman ito ng kanyang mga kaibigan na kapareho niya rin ang hilig.

Ngunit, ang mas nagpahanga sa mga netizen ay nang may pagmamalaki nitong ibinahagi sa social media ang tungkol sa babaeng tunay na nagmamahal sa kanya. Sa mga larawang kanyang ibinahagi, makikita kung gaanong kamahal ni Zingzong ang naturang babae.

Sa naturang mga larawan din ay makikita kung gaano rin kasaya ang girlfriend na ito ni Zingzong sa kanilang relasyon. Makikita na sa kabila ng kakaibang pisikal na anyo ni Zingzong ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang mahalin ang binata.


Minsan, nagbahagi pa nga si Zingzong ng isang larawan nito kasama ang girlfriend at isang bata. Dito, ayon kay Zingzong ay isang masayang pamilya. Patunay lamang ito na masaya sila ng kanyang girlfriend at ipinagamalaki ng mga ito sa mundo ang kanilang relasyon.


Maraming mga netizen din ang humanga sa girlfriend na ito ni Zingzong na hindi nagpadala sa panghuhusga ng lipunan at mas sinunod nito ang kagustuhan ng kanyang puso. Bilib din ang mga ito dahil sa suporta niya raw sa talento ni Zingzong.

Kaya naman, payo ng mga netizen kay Zingzong, ingatan umano nito ang kanyang girlfriend dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatgapo ito nang ganoon katapat at mapagmahal na babae. Idagdag pa umano rito ang hindi rin maitatangging ganda ng girlfriend ni Zingzong.

Bagama’t umani ng maraming mga positibong komento ang tungkol sa kwentong ito ni Zingzong, hindi pa rin maiwasan na mayroong mga mapanghusgang netizen na walang magawa kundi gumawa ng mga negatibong komento tungkol sa kanilang kapwa.

Ani ng mga ito, baka raw kasi suportado ni Zingzong ang babae kaya nanatili ito sa kanyang piling. Mayroon ding iba na animo’y hindi raw makapaniwala sa relasyon ng dalawa.


Gayunpaman, hindi naman maitatanggi na nangingibabaw pa rin ang mga positibong komento at ang mga pagsuporta para kay Zingzong, sa girlfriend nito, at sa kanilang bubuuing pamilya. Ayon sa mga netizen, hiling daw nila na magtagumpay sa buhay ang mga ito at nang mapatunayan nila sa mga mapanghusgang tao na tunay ang kanilang pagmamahalan at kakayanin nila ang anumang pagsubok.

Panoorin ang buong video dito!