Trending kamakailan lang sa Twitter ang umano’y ginawang ‘body shaming’ ng It’s Showtime host na si Jugs Jugueta kay ex-PBB housemate Vivoree Escalito.

Ito ay matapos banggitin ni Jugs ang pangalan ni Vivoree sa ‘Hide and Sing’ segment ng It’s Showtime. Dito, ipinakita ng tinaguriang Tago-Kanta contestant No. 1 ang kanyang balbong braso bilang animo’y clue sa kanyang pagkakakilanlan.

Agad na nagbigay ng hula ang mga host ng programa kung saan ang naturang contestant at nabanggit nga dito ni Jugs si Vivoree.

“Si Vivoree iyan!” animo’y pabirong saad pa nga rito ni Jugs.

Hindi naman naiwasan ng ibang mga host na mabigla sa pagbanggit na ito ni Jugs ng pangalan ni Vivoree. Ngunit, agad din na nakabawi ang mga ito at animo’y ipinagtanggol ni Karylle ang aktres.

“Grabe kayo! Jugs, ako I'm a very balbon girl also. Ganun lang talaga,” saad pa rito ni Karylle.

Maging si Vice ay animo’y naalarma rin sa pagbanggit na ito ni Jugs ng pangalan ni Vivoree. Pabirong komento pa nga ng komedyante, “Sumakit ang batok ko kay Jugs!”

Samantala, mukhang nakuha naman ni Jugs na mayroong hindi tama sa kayang isinaad kaya agad niyang binigyang linaw ang kanyang sinabi. Ayon kay Jugs, biro lamang daw ito.

“That was just a joke. I'm sorry,” saad pa ulit ng host.

Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat upang hindi batikusin ng mga netizen ang umano’y ginawang pamba-bodyshame na ito ni Jugs kay Vivoree. Agad naging trending ang usapang ito at nakaabot pa nga kay mismong Vivoree.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ex-PBB housemate na magbigay ng reaksyon nang umano’y ginawang katatatawanan ang kanayng pagkabalbon. Sa Twitter, ayon kay Vivoree,


“when someone makes fun of your looks, let our response be 'gwapa/gwapo gihapon [maganda/gwapo pa rin].”

Matapos nito ay nagbahagi pa ulit ng isang retweet ang aktres ng pahayag na inilabas nito noon pang taong 2019. Patungkol din ito sa ginawang pambabody shame sa kanya noon kung saan, nakiusap ang 20 taong gulang na aktres na matigil na.

“ok so i’ve seen some comments about some people body-shaming me. it’s fine with me po, none taken, but PLEASE do not do it to others. some people don’t take it the same way I do. other’s bodies are totally NONE of your business… be sensitive enough to know that,” saad pa rito ni Vivoree.

Maging ang tweet ng isang netizen tungkol sa ginawang ito ng TV host ay binigyang pansin din ni Vivore at nirepost. Dito, idiniin ng netizen na hindi isang katatawanan o biro lamang ang ginawang pamba-body shame kay Vivoree. Saad pa nito,

“You can joke all you want, laugh all you want but NEVER EVER use someone’s insecurities as your JOKE on NATIONAL TV. What you did may result to normalizing BODY SHAMING as a funny topic to your viewers… NO TO BODY SHAMING.”

Sa Instagram naman, nagbahagi din si Vivoree ng isang story kung saan, tungkol pa rin sa nangyari ang kanyang nais iparating. Dito, malaman ang ibinahaging larawan at mensahe ni Vivoree na idinidiing hindi siya dapat ginagawang katatawanan.

“DON'T YOU DARE MAKE ME FEEL ASHAMED OF MY BODY,” ani niya pa rito.


Source: PEP