Isang napakagandang oportunidad ang mag-alaga at magpalaki ng bata o ng anak. Hindi man madali dahil bukod sa kailangang gumastos ng pera ay talagang kinakailangan ng mahabang pasensya, ilang sakripisyo at pagmamahal. Hindi man aminin ng ibang mga magulang ngunit ang ngiti at tawa at bawat tagumpay ng kanilang anak ang pumapawi ng kanilang pagod. Kung kaya ay labis na lamang kung gustuhin ng mga babae, ng mga ina o ng mag-asawa na magkaroon ng anak.

Maligayang inanunsyo ng aktres na si Alice Dixson ang pagdating ng matagal na niyang pinapanalangin sa Panginoon.

Sa instagram account ng aktres, April 2, 2021 ay nag-post ito ng litrato ng kanyang sarili na nakangiting nakahawak ang dalawang kamay sa isang papel na mayroong naka imprintang pares ng paa ng sanggol.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle. For those of you who really know me, you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year, my wish the same when I blew out my candles,” ani ni Alice sa naging caption nito.

Ibinahagi naman ng aktres na kinailangan niyang maghintay at maniwala na darating ang araw na matutupad ang ilang taon na niyang pinapanalangin.

“So with great, belief and trust- I am happy to announce my wish has finally come ture. Our newest little member has arrived. From my family to yours. Advance Happy Eester,” dagdag ni Alice.


Si Alice Dixon ay isang Filipino-American na aktres at kasalukuyang 51-anyos na ngunit sa ganda ng mukha at katawan nito ay  mahirap hulaan ng tama ang kanyang edad.

Matatandaan na noong 2019 sa isang panayam sa ANC kasama si Karen Davila ay naitanong nito si Alice tungkol sa pagiging ina sa gitna ng kanyang sitwasyon na nahihirapang magkaroon ng anak.

“We’re still in the process of surrogacy and so we have, I have not given up on that. I think this is our last year to try,” rebelasyon ni Alice.

Binati naman si Alice ng netizens at mga kapwa artista sa kanyang magandang anunsyo kagaya nina Ogie Alcasid, Ara Mina, Bianca Manalo at marami pang iba.

“Congratulations Ms. Alice I’m happy for you saw akas din natupad na din ang wish mo sa tuwing nagbibirthday ka I’m happy for you very much and stay safe, stay healthy and take good care Ms. A.”

“Wow God is so good. If you believe, you will receive.”

“Congratulations! Pano na ang teleserye mo! Naku! It’s ok priority muna baby!”

May iilang netizens naman ang nagtataka pa din kung paano nagkaroon ng anak si Alice na hindi naman raw nila nakitang buntis ang aktres.

“Hindi naman naming nabalitaan na nagbuntis ka! @alicedixson naampon mo lang siguro,” pagtataka ng netizeng si @jasminutetowinit.

Sinagot naman ito ng kapwa netizen.

“@jasminutetowinit surrogacy / IVF malamang”, sagot ni @yuugasumi.

Ginawang halimbawa naman ng iba ang surrogacy plan na sinagwa ng mag-asawang Hayden Kho at Vicky Belo na nagbunga sa napakagandang Scarlet Snow.


Isang komento ng nagngangalang @tynelyceos sa instagram naman ang sinang-ayunan ng marami nang sabihin nitong, “Kahit saan pa galing either through birth or by choice (adoption)…it’s still a blessing.”

Source: wheninmanila