Isang bagong mainit na usapan na naman sa social media ang pinagkakaguluhan ng mga netizen tungkol sa hindi pagpaapalagpas ng aktres sa nabasang komento para sa kanyang asawa.

Matandaan noong November 2017 ay ikinasal si Anne Curtis sa isang half Filipino at half French na si Erwan Heussaff sa Southland New Zealand sa isang simple at rustic wedding kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Nagsimula ang ingayan sa social media nang nag post si Erwan sa kanyang Instagram account ng kanyang photo na suot ang dark green na long sleeves na nakaupo na may background na may nature.

“I miss getting down and dirty with nature,” caption ni erwan sa kanyang Instagram post.

May isang babae na nagbigay ng komento sa post ni Erwan na sinasabing  katrabaho niya raw ito sa isang project. Sinabi ng babae sa kanyang comment na pababalikin na niya si Erwan dahil wala siyang friends. 

“Come back na I have no friends,” comment ng babae sa post ni Erwan.

Agad naman nag reply si Erwan sa comment ng babae at sinabi niya “haha so many trees.”

Marami ang nagbigay ng comments sa nakitang photo ni Erwan at may isang komento ang hindi pinalampas ng kanyang asawa na si Anne Curtis.


Hindi nakapagpigil ang aktresat nagcomment agad ito sa Instagram post ng kanyang asawa. Sinabi niya sa comment niya na ang cute ng kanyang asawa. Agad naman ito nakakuha ng atensyon sa mga netizen.

“Ang cute mo,” comment ni Anne sa post ni Erwan. 

Maraming mga netizen ang naantig ang puso dahil ang sweet umano ng mag-asawang Anne at Erwan.

“Ang wife agad ang number one nag like sa kanyang husband. Super sweet. Cute naman talaga si Erwan at pogi. God bless and stay safe and healthy.”

“You two are such a mood for me.”

Matandaan din na umuwi na ang celebrity couple sa Pilipinas matapos ang isang taon na naabutan ng lockdown sa Melbourne. Sa isang Instagram post, nag share si Erwan ng mga short clips tungkol sa kanilang flight back galing Australia at ang kanilang ongoing quarantine period. 

Si Erwan Heussaff ay isang youTube vlogger. Ang kanyang mga karaniwang contents ay cooking, traveling, cocktails, health and fitness. Si Erwan ay kapatid ng isang aktres na si Solenn Heussaff. 

Nilinaw din niya sa isang YouTube vlog niya ang kanyang professional background. Sinabi niya sa mga netizen na hindi siya na may experise siya pagdating sa culinary.


Napabalitang nagsimulang nag date si Erwan at Anne noong 2011 at naging engaged noong December 2016.

Si Anne Curtis ay isang multi-talented celebrity. Siya sang singer, VJ, actress and television host.

Source: KAMI