Kamakailan lang nang lumabas sa social media ang alegasyon tungkol sa pambabae na naman ng asawa ni Jelai Andres na si Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger at ngayon ay  sunod-sunod naman nagsilabasan ang mga pangalang dawit sa kontrobersiyang hinaharap ngayon ni Jon.

Unang inilahad ni Jelai at ng kapatid nitong si Candy Andres-Monroe ang panibagong third-party issue ni Jon. Sa social media ay naglabas ng saloobin si Jelai sa muling panloloko ng asawa nito sa kabila ng paulit-ulit na beses na pagpapatawad niya. Pag-aamin ni Jelai na noong nakaraang taon pa umano nagkaroon ng third-party si Jon. Sa pagkakadismaya ni Jelai ay sinabi niyang hindi na ulit siya magpapaloko at magpapakamartir.

Nanguna naman si Candy sa pagtatanggol niya sa kanyang kapatid kung kaya ay sinabayan niya si Jelai na nakipagsagutan kay Jon sa social media.

Kasunod nito ay ang paglabas ng pangalan ng babaeng tiktok content creator na usap-usapan na siyang third-party na tinutukoy. Ito ay matapos banggitin ng isang netizen ang pangalan ni Yskaela Fujimoto.

Ayon sa bumanggit ng pangalan ni Yskaela ay mayroong litrato daw ni Jon at ni Yskaela ang ibinahagi sa twitter na nii-retweet umano ni Jelai ngunit tinanggal kalaunan. Kung may katotohanan man ito ay marami ang hindi makapaniwala sa pagkadawit ni Yskaela.

Sa kabila ng galit na natanggap ni Jon sa pamilya at supporters ni Jelai ay paulit-ulit naman nitong itinatanggi ang mga akusasyon sa kanya.


Kasunod naman nito ay ang rebelasyon ng isang beauty vlogger na si Romsy Dineros. Ibinunyag nito sa isang video ang naging pag-uusap nila sa chat at pag-didiskarte din umano ni Jon sa kanya habang sinusuyo nito si Jelai na makipagbalikan sa kanya.

Ayon kay Romsy na matagal na niyang pinaalam si Jelai ngunit hindi pa nabasa ni Jelai ang mensahe nito.

Nitong linggo lang din ay muling naungkat ang isyu at bangayan noon ni Jon at ng isa pang sikat na vlogger na si Toni Flower nang magbigay ng reaksyon si Toni sa mga balitang nagsilabasan ngayon tungkol sa pambabae muli ni Jon at tuluyang nagkasagutan  ang dalawa hanggang sa nabanggit ang kanilang nakaraan.

Sa kasalukuyan ay may bago na namang inaabangan ang netizens sa nakaka-osyosong post ni Candy ngayon.

“Wag ka mashado matapang sa social media hija remember you’re just the lowest of the low. You are brainless, stupid and UGLY. Ohh and don’t forget too that God will never send you someone else’s husband. Hala ka sinong nagpadala nyang jowa mo,” ani ni Candy sa kanyang twitter post.

Marami ang nagtataka kung sino kaya ang tinutukoy na “hija” ni Candy.

Ang iba naman ay hindi na yata nakahabol sa mga kaganapang may kinalaman sa mga alegasyon laban kay Jon Gutierrez.

“Hindi na ako updated ano ng nangyayare”, komento ng isang netizen.

Hindi man ibinunyag ang pangalan ng “hija” na siyang ibig paringgan ni Candy ay sigurado naman ang iilang netizen na may kabataan ang tinutukoy nito kung kaya ay “hija” kung tawagin ni Candy.


Tila ay hindi napapagod si Candy na ipagtanggol at magsalita para sa kanyang kapatid na si Jelai kung kaya ay hindi ito matamik at patuloy na nagpapahayag ng kanyang saloobin at mga pagpaparinig niya sa social  media.

Source: KAMI