Nagbitiw na ng statement ang Management ni Buknoy Glamurr at Gabo na Star Image Artist kaugnay sa viral na live video nitong pagpapanggap bilang si Awra para sirain si Ion Perez at Vice Ganda. 

Ayon sa Star Image Artist, hindi nila palalampasin ang ginawa ng dalawa  lalong lalo na hindi nila ito ito-tolerate.

Napagdesisyunan ng management na bibigyan umano ang dalawa ng disciplinary action.

“This is to inform the public that Star Image Artist Management will not tolerate the irresponsible actions of Gabriel “Gabo” Adeva and Andrew Luis Lapid a.k.a “Buknoy Glamurr.

“With the recent incident involving Ms. Vice Ganda, Mr. Ion Perez and Ms. Awra Briguela in a tik tok live video, the management decided to impose immediate disciplinary action and to suspend Gabo and Bunkoy for 1 month without pay,”

Nagsalita na rin ang management sa napagkasunduang penalty na pagbabayarin ang dalawa ng P100,000 bawat isa sa ginawa nilang misconduct.


“We sincerely apologize to the involved personalities and rest assured that we will do necessary disciplinary actions as stated beforehand.”

Sa isang Facebook live stream, si Buknoy at Gabi kasama ang kanilang talent managers ay nag isyu ng public apology kay Vice, Ion at Awra at pinagsabihan din sila ng kanilang talent managers sa kanilang pagiging arogante at walang respeto. 


Samantalang nag post si Awra kaugnay sa isyung ito at sinabi niya sa kanyang post, “Pinaka ayoko sa lahat yung may nadadamay na ibang tao.”

Ang public apology na ito na ginawa nila sa kanilang Facebook live ay umani ng 1.6 million views na umani rin ng mga pambabatikos.

Minabuti ng Star Image Management na suspendihin at pag multahin ang dalawa base na rin sa pinirmahan nilang kontrata. 

Sinabi rin ng management na handang suportahan nila si Gabo at Buknoy kung sakaling magta-take ng legal action si Vice Ganda. 

Matandaan sa isang Facebook live video  nag-usap ang dalawa at nagbahagi ng mga malisyosong pahayag kaugnay nila Ion, Awra at Vice Ganda. 

Emosyonal namang humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang pinagalitan ng kanilang mga talent managers at ni-reprimand sa harap ng publiko.


Si Buknoy ay isang social media influencer at YouTube vlogger na nagkaroon din ng isyu noon tungkol sa pagpapahamak niya umano sa isang tricycle driver.

Panoorin ang buong video dito!