Kalat na kalat ngayon sa social media ang isyu tungkol sa TikTok live video ni Buknoy Glamurr na nagpanggap bilang Awra Briguela at ang umanong ‘alleged affair’ kay Ion Perez.

Si Andrew Luis Lapid or mas kilala bilang Buknoy Glamurr ay isang social media influencer at tumanggap ng kaliwa’t kanang pambabash dahil sa pagpapakalat ng mga false accusations laban kay Ion Perez na boyfriend ni Vice Ganda.

Ang video ni Gabo Adeva, isang online creator sa Star Image Artist Management ay nagviral sa Twitter.

Ang video na pinost sa TikTok account ng kanyang kaibigan ay ay agad nakakuha ng atensiyon sa mga viewers at agad din inulan ng mga pambabash ng mga fans ni Ion at ni Vice.

Makikita sa video na si Buknoy at ng kanyang kaibigan ay gumawa ng isang mock interview tungkol sa biglaang pagkawala ni Awra sa spotlight. 

Ang naging highlight ng video ay nang nagbitiw ng statement si Buknoy:

“Nalaos ako kasi binitawan ako ni Meme, akala mo naman mamahalin siya ni Ion di niya alam pineperahan lang siya!”

Mas nagkagulo pa nang muling nagbitiw si Buknoy ng kanyang statement tungkol sa ‘alleged affair’ nila ni Ion.


“Mas gusto ako ni Ion eh, nagalaw na niya nga ako sa Showtime dressing room number 5 at hindi ako nakokonsensya,” sabi  ni Buknoy.


Buknoy: “Diba nga binitiwan ako ni Meme Vice?

Gabo: A, kasi nag focus siya kina Carlo?

Buknoy: “Oo, akala mo naman mamahalin siya ni Ion.”

Maraming mga netizen lalong lalo na ang mga fans ng VICEION ang hindi napigilang mag-iwan ng komento ukol sa isyu.

Marami sa mga netizen ang nagsabi na kailangan mag-take ng legal actions laban sa sinasabing vlogger.

 “Seriously hindi to dapat palampasin. this is not just a petty twitter fight. this is SLANDER and if you truly care about vice, ion, and/or awra, you will take the proper action against this. hindi lang siya nagpapapansin, what buknoy did damages the artists and their reputation.”

 “Jusq di ba nila alam yung kasong slander? My ghad dami nilang binitawang mga pangalan at mga salitang paninira naway maturuan ng leksyon tong mga to sobra na kayo”

 “Dalawa pala yung possible na case for Buknoy the “Crime of identity theft” for acting as if he is Awra and “Libel” for spreading false accusations towards Ion.”


Wala pang statement sa ngayon ang nakuha mula sa panig ni Vice pero iginigiit mga fans na mag file ng libel case laban kay Buknoy.

Panoorin ang buong video dito!