Pinainit ng sikat na mga vloggers at real couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang Jamil matapos ang kalat na kalat na isyu na may ibang kasamang  babae si Jayzam.

Ang real life couple na jamil ay sumikat dahil sa kanilang good vibes vlogs at pati na rin ang sense of humor ng dalawa.

Karaniwang content ng kanilang vlogs ay puro kalokohan at pampatawa lang sa mga tao at minsan naman mga life updates ng couple at gayun nalang ang paghanga ng mga netizen sa kanilang mga ipinapakita sa harap ng camera. 

Gaya nga sa lahat ng mga couples, dumaan din sa mga pagsubok ang dalawa at minsan na nila ito sinabi sa kanilang vlog na hindi dapat isapubliko ang kanilang mga problema dahil napag-uusapan naman nila ito ng pribado. 

Ngunit ika nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag dahil nitong mga araw lang, binaha ng mga posts ng mga screenshots at rants ang Facebook ukol umano sa vlogger na si Jayzam. 

Nagsimulang mag-ingay ang mga Jamil fans nang napag-usapan ang isang babae na nagngangalang si Maria Angelica Diaz.

May isang netizen na nagpakalat ng isang post tungkol umano sa nalaman niyang isyu na ikakagulat ng marami. 

Sa mismong post, sinabi niya ayaw na sana niya isapubliko ang isyu ngunit marami na ang mga na-intriga at gigil na malaman ang ugat ng nasabing isyu tungkol sa kumakalat na comment ng nagngangalang Xien Aban sa Twitter.


“I remember meron akong friend nag checkin siya sa Highland bali tapos ano si Jayzam magkaaway ata sila ni Jamil that time kasi chineck ko myday ni Jayzam at Camille e parang may something tapos alam moba dzai. Nakipaghalikan sa friend ko sa cr hahaha. Marami ako pics na nakaharap at nakabonding pa sa inuman yung friend ko HAHAHAHA,” sabi ni Xien sa kanyang post.

Nabanngit pa niya na dahil fan siya ng Jamil, naisipan niyang makipag picture at sinabi raw sa kanya ni Jayzam na “Lagot ako kay Camille.”


Dagdag pa niya, matapos nito, may inaya si Jayzam at ang kanyang kaibigan na si Kim na tatlong babae patungo sa kwarto nila para uminom ng alak ngunit hindi na niya alam kung sumama ba ang mga babae kila Jayzam.

Nang magkita muli umano sila sa hotel, inaya siya mag-shot nito. Tinanong niyang nasaan si Camille pero ang sagot nito ay wala at ang tanging kasama nito ay kanya lang kaibigan na lalaki. 

Sabi pa niya nang paalis na si Angelica, tinawag itong muli ni Jayzam at pina-shot na naman. Dito ay tinanong na si Angelica kung gusto nya pumasok sa loob ng kwarto. Nagulat na lamang ang babae nang bigla siyang hilahin ni Jayzam papuntang cr at doon na hinalikan. 


“Bakit mo ginawa yun?” tanong ng babae habang tinulak si Jayzam. “Bakit ayaw mo ba?” sabi ni Jayzam. “Paano na si Camille?” tanong ng dalaga.

Tinanong pa raw siya ni Jayzam kung may boyfriend ba siya habang hinahawakan ang kanyang kamay na aktong nakita ng kanyang ate. 

Kalat na kalat din ang posts ng mga screenshot ng conversation nila Angelica at Camille dahil sinabi ng  babae na nanahimik lang daw siya ng mahabang panahon tungkol sa isyung ito.

Sinabi ng babae ang buong detalye ng mga pangyayari at naglakas loob na ipost ito sa Facebook. 

Ngunit makikita sa mga screenshots na habang siya ay nagpapaliwanag sinabihan siya ni Camille na dapat umiwas din siya dahil alam naman niya na may girlfriend na si Jayzam at sinabihan pa siya ni Camille na p*kpok.

Ibinahagi din niya ang naging usapan nila ni Kim, kaibigan na kasama ni Jayzam sa Highland Bali. Sinabihan daw siya ni Kim na huwag ipagkalat o sasabihin sa iba ang nangyari sa kanilang dalawa.

Maraming mga netizen ang hindi napigilang magbitiw nga mga di kanais-nais na mga komento tungkol sa isyu.

“Bakit may iba na kahit alam na may gf, papatol pa rin.”

“Grabe naman yung girl. OMG!”

Ngunit mas nayanig ang buong online community nang mag post si Camille na akala niya tatlo lang ang babaeng sangkot sa isyu, apat pala.


“Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na. Para sa pang apat na babae chat ka ng chat saakin kung okay lang ako ngayon tapos p*ta nakipaghalikan ka din pala,” post ni Camille sa kanyang Facebook account.

Sa kasalukuyan, naglabas na ng kanyang statement si Jayzam at sinabi niya na nasabi na niya lahat kay Camille at hangad niya na mapatawad siya nito sa kanyang nagawa.