Mainit na pinag-uusapan ngayon ng publiko ang hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron matapos ang isang misteryosong post ng aktres at ng mga taong malapit dito. Ayon sa mga ulat, ang aktres at costar ni Kiko na si Heaven Peralejo ang umano’y dahilan ng hiwalayan ng dalawa. 

Sa Instagram, isang misteryosong larawan ang ibinahagi ni Devon na mayroong caption na, “The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Ngunit, ang diretsahang pagbanggit dito ng isa niyang kaibigan sa mga pangalan nina Kiko at Heaven ang siyang nagpagulat sa mga tao. Matapos nito ay nagbahagi rin ng mga makahulugang IG stories ang kapatid ni Devon kung saan, animo’y pinapatamaan nito ang dalawa.

Kaya naman, agad na naging trending si Heaven sa social media matapos na ito ang lumalabas na umano’y dahilan ng hiwalayan nina Kiko at Devon. Umani agad ito ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen kung saan, naungkat rin ng mga ito ang ilan pang mga bagay na nag-uugnay kina Kiko at Heaven.

Kabilang na rito ang isang vlog ni Heaven dati kung saan, inamin nito na mayroon siyang paghanga sa aktor. Sa kanyang bersyon ng ‘Totropahin o Jojowain’ challenge, ayon kay Heaven ay ‘crush’ talaga nito si Kiko ngunit, ‘totropahin’ ang kanyang sagot para rito bilang respeto sa girlfriend nitong si Devon.

“Actually, crush ko siya dati. Hindi alam ng tao 'yon. Sabi ko Ma, ang gwapo talaga, crush ko talaga to dati. Dati pero may jowa sya so totropahin. Respect,” ang ani pa rito dati ni Heaven.


Kaya naman, mas lumakas pa ang spekulasyon ng mga netizen tungkol sa pagiging dahilan nito ng hiwalayang Kiko at Devon. Maliban kasi dito ay magkasama rin sa isang proyekto ang dalawa kung saan, kasama rin nila sina Barbie Imperial, Michelle Vito, at Toni Labrusca.

Bagama’t nananatili pa ring tahimik sina Devon at Kiko sa issue, naglabas ng pahayag si Heaven tungkol dito at idiniing hindi raw ito ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Heto ang buong pahayag na inilabas ni Heaven sa pamamagitan ng Instagram:


“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-stars working with each other.

“I should have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I did not and would never do.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.

“I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not even involved. Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this…”


Nito lamang Agosto ng nakaraang taon ay ipinagdiwang nina Devon at Kiko ang kanilang ikalawang anibersaryo. Enero ng 2019 naman ng una nilang kinumpirma ang tungkol sa kanilang relasyon.

Source: thephilippinetimes