Kaninong gawain ba itong ‘cheating’ sa isang relasyon? Sa mga gwapo lang ba o kahit sa mga hindi masyadong kagwapohan? O both? Depende kung sino gagawa. 

Sa sunod-sunod na nag-viral na cheating stories ngayon kabilang ang binansagang “change oil” na umiikot sa mag-fiance ngunit naudlot ang planong kasalan dahil sa nabuking babae na third-party ng kanilang relasyon kung saan kinuha lamang ang bansag nitong  “change oil” sa naging depensa ng third-party na kaya sila magkasama ng lalaki ay dahil nagpasama lamang daw ito magpa-change oil at ang isa pa na naging maingay na isyu ngayon ng minsan nang nagpakilig na #TeamJolai, ay marami ng personalidad ang hindi mapigilang magbigay ng kanilang reaksyon sa cheating stories na ito.

Isa sa mga naghayag ng kanyang saloobin ay ang aktres na si Iwa Moto. Sa instagram stories ni Iwa ay nagsalita ito sa cheating stories na napag-alaman lang din niya sa Facebook. Ibinahagi naman ng aktres ang dati niyang pinaniniwalaan pagdating sa pakikipagrelasyon.

“So…. Nag scroll ako sa fb.. ang dami kong nakitang cheating story, sunod sunod, may change oil, lucky charm and ngayon yung kay jolai.. Dati Naniniwala ako sa kantang humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay.. Pero ngayon.. Takte yung mga pangit ang kakapal na ng mukha. Sila pa ang nanloloko…” ani ni Iwa.


Binigyang linaw naman ito agad ni Iwa na hindi niya nais makisawsaw sa mga isyu.

“#randomthoughts:” “Hindi ako sumasawsaw sa issue ah. Nag state lang ako ng observation ko,” paglilinaw ni Iwa.

Hinaluan naman ni Iwa ng kaunting katatawanan ang kanyang unang pahayag.

“Kaya ako pogi parin pinili ko para takte pag gising ko sa umaga di sasakit ulo ko sa view,” she added. “Hindi lahat ng pogi manloloko. Bwhahaha.”, dagdag ni Iwa.

Si Iwa Moto ay ang kasalukuyang kinakasama ni Pampi Lacson. Maligayang isinapubliko nila ang kanilang pangalawang anak na ipinanganak noong January 21, 2021.

“Lo and behold, here comes the newest addition to our growing family. Our new bundle of joy — our little boy who will be filling our hearts and lives with love and happiness from this day forward!”

“What a beautiful blessing on the 21st day of the 21st year of the 21st century,” ani ni Iwa sa larawan ni Pampi kasama ang kanyang bagong silang na pangalawang anak sa kanyang instagram post nito.

 “My heart is overflowing with love and joy the first time I held you in my arms. Our son, baby CJ, yours, and Ate Mimi’s first day in life are the best days of mine! I could not explain the outpouring happiness that I am feeling right now. I am so blessed to have you, Ate Mimi, Kuya Muy, and Daddy Pampi and I could not ask for more!”, dagdag ni Iwa para sa kanyang bagong silang.

Si Mimi ang panganay na anak nilang dalawa ni Iwa at Pampi habang si Thirdy naman ang anak ni Pampi sa noong asawa nito na si Jodi Sta. Maria.


Sa sinabi ni Iwa isang malaking “sana all” ang magkaroon  ng hindi lang mabuti at tapat na kinakasama may kagwapuhan pa.

Sa daming babad ngayon sa social media lalo na nang simulang nagkapandemya sino ba naman ang hindi maaabot ng mga nag-viral na cheating stories na ito?

Source: KAMI