Naging trending ang usap-usapan tungkol kay Jelai Andres matapos nitong  aminin sa kanyang tell-all vlog na minsan siya naging sugar mommy.

Inamin ni Jelai na marami-rami na rin siyang mga bagay na naibigay. Ilan sa mga ito ay jewelry at Gucci at ito’y alam ng mga tao.

Patawang sinabi ni Jelai na ang swerte ng lalaking magmamahal sa kanya dahil ibibigay niya ang lahat sa taong mamahalin siya.

Dagdag pa niya, kung sino man ang magmamahal sa kanya ay dapat gawin din kung ano ang gusto niya.

Sa isang tell-all vlog na ginawa ni Jelai, maraming mga katanungan ang iniwan niya sa mga netizens at isa na rito ay kung meron ba siya sugar daddy. 

“Wala po akong sugar daddy. False yan. Actually ako ang sugar mommy.”

“Come to mommy,” dagdag pa ni Jelai.

“Alam niyo iyan, Gucci, alahas, cellphone...Kayo kung gusto nyo magpabili motor, Mio, sapatos, kaya kung ibili sayo yan…


“Kaya swerte ng magmamahal sa akin, ibibigay ko sayo ang lahat.”

“Sige payag na akong maging sugar mommy, basta gagawin mo lahat ng pagagawa ko.”

Matandaan ang isyung hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Jon Gutierrez o mas kilala bilang si King Badger sa dahilang third party.

Maalala din ang pagbunyag ni Jelai sa mismong babae ng kanyang asawa na si Yumi, isang Viva artist, 17. 

Naging bulgaran ang isyu na ito dahil maraming ebidensiyang ipinakita si Jelai matapos niyang malaman na ibinabahay na pala nito ng kanyang asawa ang babae. 

Sa kasalukuyan, marami ang napahanga ni Jelai sa kanyang pag-arte sa teleserye ng GMA na “Owe My Love” na mapapanood weekdays tuwing gabi.

Nitong mga araw lang din ay nagpost siya sa kanyang Instagram account suot ang kanyang stunning swimwear  na agad nakakuha sa atensyon ng mga netizen.


Nilagyan pa niya ng optimistic at empowering message ang kanyang post sa Instagram.

Si Jelai ay isang sikat na YouTube content creator, social media personality at isang sikat na aktres.

Source: KAMI