Ilang linggo na nang naging laman sa mga kontrobersiya ang internet star na si Jelai Andres matapos naglabas ito ng saloobin sa alegasyon ng muling pambabae ngayon ng kanyang asawa na si Jon Gutierrez a.k.a. King Badger. Gumawa ng ingay ang kanilang relasyon sa social media ngayon at may iilang pangalan pa ang umano dawit kabilang na si Yskaela Fujimoto. May iba naman ang nagsalita at nagbigay ng reaksyon sa alegasyon kay Jon katulad nina Romsy Dineros at Toni Flower na nakasagutan muli ni Jon kamakailan lang.

Samut-sari ang reaksyon ng netizens sa kontrobersiya dahil sa kabila ng patuloy na pagtatanggi ni Jon at pagsisilabasan na mga ebidensya laban kay Jon ay may iilan pa din ang hindi naniniwala kay Jelai. Sa halip na patibayin nito ang loob ni Jelai ay nang-bash ito sa kanya.

Sa Facebook fan page ni Jelai Andres ay nag-post ito ng screenshots ng pagsasagutan ni Jelai sa basher nito. Nagulat naman ang netizens sa naging sagot ni Jelai.

“(BY ADMIN) ahhahaa laptrip!!! Nakita ko lang to sa comments kaninang madaling araw. Ganyan pala madepress at magalit ang mabait na tao! Nagpapa gcash! laptrip ng mura ni miloves Jelai! Shookt kami! First time mangaway! Patol patol din! GG si ate Jelai e! Tama nga si miloves gutom lang. Oh dba bnigyan kapa pang grocery kahit sinabihan mo si ate jelai na kumain ng taeng durog na durog. Ah basta wag niyo kasing galitin masyado yung taong mabait may pinagdadaanan na nga e. G na G tuloy si ate Jelai,” ani ng nasabing post.

Sa naging komento ng basher sinabi nitong nais lamang ni Jelai na magpapansin.

“Kain ka tae dali ung durog na durog tama na niloloko nyo lang mga tao eh bagong issue para kaawaan ka na naman? Tama na mayaman na kayo mag budbod pamo mga kagwanga problema ng tao ngayon itong covid daw na deputing ina! Wala ng makain tas kayo puro kayo pafame tama na sikat na kayo!! Mas marami pang durog kesa sayo pero di naman ni shinare!! Pasikat mo piste!!,” komento ng basher na hindi ibinunyag ang pangalan.

Nagulat at naaliw naman ang netizens sa naging sagot ni Jelai.



“Ulul di ko naman boses yan video yan nung namatay aso ko. Ikaw kumain ng tae baka wala ka pang hapunan inuna mo mag comment. Amina n nga gcash mo baka gutom lang yan.”

Dagdag ni Jelai, “Oo seryoso akina gcash mo taena ka! GG moko”.

Mukhang napaamo naman ni Jelai ang naturang basher nang hingin niya ang Gcash number nito.

“Jelai Andres hahahah sabi ko na eh mapapansin ako gcash ko po ba seryoso hahaha opo gutom ako totoo nga sabi ng kapatid ko na mabait kayo,” pagkukumpirma ng basher kung seryoso si Jelai.

Sinagot naman ito ni Jelai na seryoso siya at sinabihan pa niya ang basher na ilibre niya ang kanyang kapatid.

P3, 000 ang halagang ipinadala ni Jelai sa kanyang basher at nilagyan pa niya ito ng “pang grocery from Jelai andes” bilang purpose of transaction.


Marami naman ang naaliw at humanga sa di inaasahang sagot ni Jelai na sa halip ay sagutin niya ito ng kasinsamang mga salita na ibinato ng basher sa kanya ay pinadalhan pa niya ito ng pera.

Komento ng isang Yhang DE LA Paz sa Facebook, “Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Ito yung sumagi sa isip ko. Jelai Andres Page napakabuti ng puso mo. Pagpalain ka pa nawa maghilom sana lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Darating yung araw na tatawanan mo na lang lahat yan. Di mo deserve masaktan ng ganyan. Laban lang po.”


“Batuhin mo ng tinapay” ngunit tila kay Jelai ay “batuhin mo ng pang-grocery”.

Source: KAMI