Trending ngayon ang daring scene ni Gerald Anderson at Yam Concepcion sa  teleseryeng “Init sa Magdamag”na inihahandog ng ABS-CBN. Ang teleseryeng ito ay pinagbibidahan nina Gerald, Yam at JM de Guzman. Isang love triangle sexy drama series.

Talagang naging mainit nga naman ang pagsalubong ng netizens sa teleseryeng ito dahil trailer video pa lang nito na ipinalabas sa Facebook page ng Star Creatives ay napanood na ng mahigit tatlong milyong beses. Sa kasalukuyan ay nasa mahigit isang milyon naman ang nakapanood na ng sinasabing trailer sa Youtube page.

Laman-laman ng trailer ay hindi lamang love triangle, may halo itong sagupaan at politikal na drama kung saan gaganap bilang Tupe si Gerald, bilang Rita naman si Yam at si JM bilang si Peterson.

Ipinakita sa trailer na si Gerald bilang Tupe ay isang lalaking hangad ay maging isang doktor na napagkamalang may kinalaman sa korap na gawain ng kanyang ama na nagtatrabaho bilang isang government official. Ang akusasyong ito  kay Tupe ay nagdulot ng problema sa relasyon nito kay Rita (Yam).

Sa pagtakbo ni teleserye ay nawala si Tupe (Gerald) habang si Rita (Yam) ay nakakita na ng bagong iniibig na si Peterson (JM). Nagsimula ang love triangle nang magkita muli si Rita at Tupe.

Inaasahang ipapalabas ang teleserye ngayong Abril 19, 2021.

Ipinakita naman sa trailer ang iilan sa mga daring scenes ng teleserye at isa na dito ang daring scene na unang binanggit na siyang pinakanapansin ng netizens kung saan makikitang parang inaakit ni Tupe (Gerald) si Rita (Yam) habang naghuhubad.


Kita sa scene na ito ang topless na Gerald Anderson. Hindi lamang topless dahil naghubad din ito ng pantalon. Isang naka-brief na Gerald sa madaling salita kung kaya ay hindi na napigilan ng netizens ang magulat sa ipinalabas na scene.

Kaya nga sigurong pinamagatan ang teleserye bilang “Init sa Magdamag” dahil sa mga daring scenes nito na inaasahang magbibigay init sa mga susubaybay. 

Kasunod ng pag-viral ng daring scene ni Gerald at Yam ay ginulat naman ng aktres na siJulia Barretto, ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald, ang netizens matapos ito mag-post ng video ng kanyang sarili na naka-one piece habang umaawra sa beach. Nilagyan niya ito ng caption na, “bts”. Mahigit isang milyon na ang nakapanood ng nasabing video ni Julia sa kanyang instagram account.

Una nang nakuha ni Julia ang atensyon ng netizens nang mag-post ito ng mga naunang litrato sa instagram kung saan pansin ng netizens ang kanyang abs.

Hula naman ng iilan sa mga netizen na maaaring may kaugnayang ang pagpo-post ni Julia sa nasabing video at ang nag-viral na daring scene ni Gerald at Yam.

Para sa iba naman na walang malisya kung panoorin ang video ni Julia ay pinusuan lamang ito at nagkomento ng puso at apoy na emojis.

Sa Youtube isa si Julia sa mga artistang nagbahagi ng kanyang workout routine noong January 3, 2021. Hindi naman maikakaila sa porma ng katawan nito ang pagiging disiplinado ng aktres.

Si Gerald naman ay bukod sa kanyang pagiging aktor ay may sariling pag-aaring gym ang aktor. ‘The Th3rd Floor Gym’ kung tawagin niya.


Sa ipinakitang katawan ni Julia at Gerald ay tila  nagkakaunawaan at bagay nga sila  lalo na pagdating sa pagpapanatiling fit ng kanilang katawan

Source: KAMI