Isang post ang nag viral sa Facebook tungkol sa isang lalaki na sinitsitan umano ng isang bading na nauwi sa alitan at away.

Sa isang video post ng netizen sa Facebook, kitang-kita ang pagkagalit ng isang lalaki dahil sa umano’y ginawang paninitsit sa kaniya ng isang bading na nauwi sa isang iskandalo.

Kitang-kita sa video ang isang babae na kasama ng lalaki na pasigaw na sinabihan na ‘bastos’ daw talaga ang bading na nangsitsit umano sa sinanasabing lalaki.

“Wala kayong moral,” dagdag ng babae na nanginginig sa galit na sinabi sa isang bading at mga kasama nito. Gusto niyang palabasin ang bakla na nagsimula ng iskandalo.

Sabi ng nanay ng lalaki sa video, dalawang beses na daw ito ginawa sa kaniyang anak. “Sino yung nanuntok?” eksaktong linya na sinabi ny nanay ng lalaki.

Naghahanap-buhay lang daw sila ng kaniyang anak. Kita rin naman sa video kung paano magalit ang tatay ng lalaki na inawat na ng mga taong nakasaksi para maiwasan ang umanong gulo.

Nagbigay naman ng depensa ang mga kasama ng isang bading na hindi raw nila alam. “Tahimik lang po kami dito kuya,” sabi ng isa sa mga kasama ng bading sa video.

“Kaya po sa barangay nalang po mag-usap. Kung ganito, hindi tayo magkakaayos. Huwag kayo puro pananakot, wala naman po kayong ebidensiya,” dagdag ng babae.



Naging mas mainit pa ang alitan nang may mga dumating pang iba pang kasamahan sa panig ng lalaki at panig ng bading. Kaniya-kaniyang mga depensa ang binitiwan ng bawat panig.

Ang eksaktong iskandalo ay nakunan ng video bilang ebidensiya at sabi ng nanay nung lalaki sa video, “Huwag mo i-upload sa Facebook ‘yan.”

Hindi nakatiis ang lalaki at sinubukang pumasok sa bahay ng umanong bading at bigla siyang inawat ng mga taong nakasaksi sa eksena. Sabi ng isang babae sa video na harassment na ang ginawa ng lalaki. Depensa rin ng bading na may karaptan din siya.

Samu’t sari rin ang mga komentong naglabasan sa nag viral na video sa Facebook. May mga panlalait dahil hindi naman daw ganda ang hitsura ng lalaki para mag react na ganun at may iba rin  naman na nagpakita ng kanilang pagmamalasakit sa lalaking biktima umano ng paninitsit.


Panoorin ang buong video dito!