Isa na rin ang komedyanteng si Ogie Diaz sa mga naghayag ng kanyang pagbati at opinyon para sa engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsay kamakailan lang. Sa vlog nito na kanyang ibinahagi nito lamang katapusan ng Marso, ayon kay Ogie ay hindi niya na raw ikinagulat ang engagement ng dalawa.

“Inaasahan ko na ‘yun… Kasi para i-post nila everyday ‘yung mga moments nila sa buhay, ay jusko po. Isa lang ibig sabihin n’yan. Talagang nagmamahalan silang dalawa,” an pa rito ni Ogie.

Dagdag ani pa ni Ogie, wala naman na umanong kokontra sa engagement ng dalawa dahil pareho naman nang malaya ang mga ito. Kaya naman, magandang pagbati ang kaniyang mensahe para sa mga ito.

Samantala, inihayag din ni Ogie ang nakikita nitong closeness ng anak ni Ellen kay Derek na marahil ay dahilan din kung bakit umo-o ang aktres sa aktor. Ayon kasi kay Ogie, bilang ina ay isa rin sa mga isinalang-alang ni Ellen ay ang kanyang anak.

“Nakita mo diba kung gaano ka-close si Derek sa anak nila ni John Lloyd… kay Elias. Alam mo, napakaswerte ni Elias. Dalawa ‘yung tatay niya. At syempre, si Ellen, dalawa na rin ‘yung anak. Si Elias at tsaka ‘yung anak ni Derek na binata na. So talagang super close ‘yung kanilang pami-pamilya,” ani pa ulit ni Ogie.

Dito, naglabas din ng opinyon si Ogie para sa mga bashers ng dalawa lalo na ang mga nagsasabing baka perahan lamang ni Ellen si Derek. Dito, inihayag ni Ogie kung gaano kayaman din ang mga Adarna at na minsan ay nakapunta pa siya sa museo ng kanilang pamilya sa Cebu.


Di rin umano maiwasan na marami ang nainggit sa bilis ng takbo ng relasyon nina Ellen at Derek lalo na iyong matagal na umanong mga magkarelasyon ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring indikasyon na mayroong kasalang magaganap.

“Inggitera ng taon ang mga tao. Inggitera in a positve way. Kasi nga, yung iba, napapa- sana all. Tapos ‘yung iba parang nase-stress ‘yung mga jowa…


“Mayroon pa ngang sumagot na buti pa si Ellen, dalawang buwan lang ang relasyon, meron na agad proposal. Ikakasal na agad. Jusko, iyong iba nakaka-isang siglo na. Hindi na nga nagpropose, nagpa-change oil pa sa iba…

“Alam mo ‘pag nagmamahalan kayo at kahit ilang araw lang nagtatagal ang inyong pagsasama, ‘pag naramdaman mong ito na ‘yun.. Diba sabi nga ni Derek, ‘she’s the one.’,” pahayag pa nga ni Ogie tungkol dito.

Samantala, mayroon ding inihayag na payo si Ogie para sa dalawa tungkol umano sa mga taong binabash sina Derek at Ellen. Ayon kay Ogie sa mga ito, ‘wag na lamang nilang pansinin ang mga bashers basta’t masaya ang mga ito.

“Kay Ellena at Derek, my friend, best wishes sa inyo…


“Huwag na kayong sasagot sa mga bashers dahil you really cannot please everybody. Lahat tayo may mga bashers. Depende lang ‘yan kung paano natin silang i-eentertain o paano tayo makikipag-deal sa kanila…


“Ang importante, ‘yung saya ng puso ninyo ay hindi nila pwedeng kunin,” payo pa ni Ogie para kina Ellen at Derek.

Panoorin ang buong video dito!