Isa ka rin ba sa mga mahilig bumili online at manood ng live selling?  Isang video ang nagpakilig sa online community matapos sa biglaang proposal ng kasintahan nito sa kalagitnaan ng live selling.

Sa Facebook live ni R ienz Crystal Viernes, abalang abala siya sa pagtitinda ng mga ladies shirt, dresses, denim shorts, tokong at kids wear. 

 Sa sobrang abala niya sa pagli-live selling, hindi niya agad napansin ang kanyang kasintahan sa likuran.

Makikita sa Facebook live na biglang lumitaw at lumuhod sa kanyang likuran ang kanyang kasintahan na si Josephous Sumaylo Romas.

Hindi agad napansin ni Rienz ang kanyang kasintahan dahil naka focus siya sa pagtitinda at pagtingin sa mga comments ng mga nag mi-mine.


Nang makita ito ni rienz ang kanyang pinakamamahal, labis ang pagkatuwa niya at halatang nasorpresa siya sa kanyang paglingon.

“Will you marry me?” nakangiting tanong ni Josephous.

Agad naman sumagot si Reinz ng “Yes!”


Kasunod nito ang bumabahang komento at mga nakakatuwang mensahe  ng mga taong nanood sa kanyang live selling.

Naglabasan din sa comment section ang mga kaibigan at kamag-anak nila na sobrang tuwa sa nangyari.

“Congratulations Ate Reinz and Kuya Phos!”

“Di ko nasubaybayan yung pang KMJS. Pwede paulit? Anyway, congrats.”

“Makapag online selling na din hahahaha.”

“HAHAHAHA sana all.”

Bukod sa mga damit na itinitinda, labis ang kilig na binaon ng mga tumutok sa kanyang live selling. 

Batid pa niya, ang “mine” lamang ang kanyang inaantay galing sa kanyang mga customers ngunit ang matamis na “oo” pala niya ang hinihingi ng kanyang kasintahan ang bubuo sa kanyang live selling.


Nagpost din si Rienz ng larawan nilang dalawa ng kanyang kasintahan,  suot na suot ang singsing.

Aniya, “Nagtitinda lang naman po ako, bakit may ganito? I SAID YES! With feelings! Salamat sa lahat ng nag-wish and nag-greet. I love you, Josephous Sumaylo Ramas.”

Source: kickerdaily