Maraming mga netizens ang nahihilig sa paggawa ng mga memes na naging trending ngayon kung ano nga ba ang tunay na apelyido ng isang singer o aktres. Hindi nakaligtas ang singer na ito sa mga kumakalat sa social media kaugnay sa kung ano ba talaga ng tunay na apelyido. 

Kalat na kalat ang mga posts na ito sa iba’t ibang page ng Facebook. Kalimitan sa mga ginagamit nilang mga photos ay mga artista, singer at maging mga cartoon characters.

Gaya na lang ng nagtrending na mga katuwaan sa Facebook, isang singer na babae ang naging viral sa social media matapos ipinakalat ng mga netizen ang post na nagtatanong kung ano nga ba ang apelyido ni Sitti.

Noong Abril 14 lamang ay inamin ni Sitti na noong dalaga pa siya ay gustong ipa-blind date sa kanya ang nooy model actor.

Base sa social media posts ni Sitti, natawa siya itinanggi ito.Narito ang buong kuwento sa rebelasyon ni Sitti:

“Back in 2012, @docbistek, husband of my good friend and fellow singer @princessvelsco, wanted to set me up on a date with that guy.

“Me laughing: ‘Naku, hindi kami pwede Bistek!”

Bistek: Bakit naman? Mabait yun, gwapo, matalino.


“Me: Hindi talaga pwede kasi sakaling magkatuluyan kami, MAGIGING SITTI HALL PANGALAN KO! Kaya hindi talaga pwede, Bistek! Hindi talaga!


“Si Bistek napakamot ng ulo sabay sabi: Ayy oo nga noh!”

“Posted with permission from the hubs na tinawanan lang ako hahaha @joeyramirez12

“Also malamang walang kaalam-alam yung guy na may binalak si Bistek na ganito.”

Ang lalaking tinutukoy ni Sitti ay isang modelo na may lahing Filipino at British. Siya ay dating naging image model of Bench underwear noong 2012. Kilala rin siya sa kanyang mga ramp shows. Una siyang lumabas sa mga magazines at paper matapos ang kanyang pagkapanalo sa bikini competition.

Si Princess Velasco ay isang singer. Ang dalawa ay parehong napapanood sa noon sa ASAP, isang musical variety show ng ABS-CBN na mapapanood tuwing Sunday. Sí Princess Velasco ay isa ring recording artist ng GMA Music at ang kanyang current single ay ang original song na “Kaunti Na Lang” na isinulat ni Noah Zuniga.

Makikita sa comments section ng Instagram post ni Sitti, isa sa nag react ay si Princess tungkol sa biruan nila noong 2012. “Lol Sits! I super remember this!”

“Grbe talaga yung tawa ko kay Bistek nun! As in siya hindi niya gets, sagot ni Sitti.

Sinabi ni Sitti na kung magkakatuluyan man silang dalawa, hindi talaga pwede.Nirepost ito ni Sitti sa kanyang Facebook account kasama ang kwelang hirit sa sinabing apelyido ng lalaki na binanggit ni Princess Velasco.

Magiging “SITTI HALL” ang pangalan niya. Marami naman sa mga netizen ang nakakita sa post na natuwa kasunod ng mga kumakalat sa Facebook 


Si Katrina Baiddin Navarro-Ramirez o mas kilala bilang Sitti ay isang sikat na singer na sumikat sa kanta niyang “Para Sa Akin” at mapapanood siya sa ASAP tuwing Sunday sa isang segment na “ASAP Sessionistas.”

Source: PEP