Sa video na ipinalabas ng vlogger na si Alex Gonzaga noong March 26, 2021 ay sinagot nito ang mga usap-usapan o rumors tungkol sa kanya at sa nakakatandang kapatid na si Toni Gonzaga.

Ang tinutukoy na video ay pagbabalik tanaw ni Alex kung paano  siya nagsimula sa mundo ng Youtube at ngayon ay maituturing na isa sa mga impluwensiyal at matagumpay na vlogger base sa dami ng kanyang subscribers na umabot na ngayon sa mahigit 10 milyon.

Matatandaan na unang nag-upload ng video sa Youtube si Alex noong July 31, 2017 kung saan ay  minake-up-pan niya si Toni. Kaya bilang pasasalamat ni Alex sa mga nanood sa kanyang videos mula noon hanggang ngayon at sa kanyang kapatid na pumayag isama siya sa kauna-unahang vlog niya ay gumawa ulit ito ng panibagong video kasama si Toni ngunit sa pagkakataong ito ay sinasagot nilang dalawa ang mga usap-usapan o rumors tungkol sa kanila habang minimake-up pan ni Alex si Toni gamit ang makeup essentials ng Issy & Co. na nais nitong iendorso.

Isa sa mga usap-usapang diretsahang tinanong ni Alex kay Toni ay kung totoo nga bang may pinagsabihan siyang personalidad ng “Not my husband”.

 “Totoo bang may sinabihan ka ng ‘Not my husband’?” tanong ni Alex.

Kalmado naman itong sinagot ni Toni, “Wala. Ang baduy mo naman, yun talaga rumor mo?”

Agad naman napaisip ang mga netizen na kung ang usap-usapang ito ay may kaugnayan sa isyu noon ng asawa ni Toni ngayon na si Paul Soriano na isang Filmmaker. Usap-usapan noon na mayroon umanong namamagitan kay Paul at sa kasamahan nito sa trabaho na si Erich Gonzales. Nagsimula ang rumor na ito nang magkasama sina Paul at Erich nang i-shoot ang pelikulang “Siargao” sa direksyon mismo ni Paul kung saan pinagbibidahan ito nina Jericho Rosales, Jasmine Curtis-Smith at Erich Gonzales.


Tinuldukan naman ni Paul ang usap-usapan noong January 2, 2018 habang ginanap ang isang thanksgiving press conference.

“I think it’s [the rumors] just part of the industry. It’s the unfortunate part of the industry that you just have to accept. At the end of the day naman, I am focused and my objective was to make a film and tell a story, nothing else. That’s just what it is,” ani ni Paul.

Nanindigan naman si Toni sa naturang  video na hindi niya kailanman hiniwalayan si Paul sa kabila ng mga haka-haka.

Pagtatanggol naman ni Alex kay Toni, “Walang naganap na ganun. Never pong nangyari. Wala pong katotohanang may sinabi ang ate na ‘not my husband’ kasi ang corny, hindi niya gagawin talaga ‘yun.”

Inamin naman ni Alex na noon ay hindi maayos ang relasyon nito kay Paul dahil sa hindi daw nila maintindihan ang ‘humor’ ng isat-isa. Makwela naman nitong sinabi na, “but you know what? We’re the best of friends now.”

Inihayag ni Alex ang kanyang pagiging ‘protective sister’ kay Toni kung kaya ay sinabi nito na kung mayroong katotohanan man ang mga bali-balita kay Paul na may kinalaman sa third party ay hindi siya magdadalawang isip na sumugod kay Paul.

"And if ever man na may mangyayari sa kanila—tandaan niyo sa mga Tinsters who are watching—na I will be the Solange Knowles.

"Talagang makikita niyo na lang sasapakin ko si Direk Paul.

"Pero walang naganap na ganun. Never po nangyari.

"Wala pong katotohanan na may sinabihan ang ate na 'Not my husband!'

"Kasi ang corny. Hindi niya talaga gagawin."

Talagang hindi maikakaila kung bakit marami ang nagmamahal, humahanga at naaaliw na netizens sa Gonzaga sisters dahil bukod sa kanilang karakter ay makikita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.


Panoorin ang buong video dito!