Gumawa ng isang rebelasyon si Andrea Brillantes na may isang tao talaga siya na ayaw niya makasama at makatrabaho sa kanyang mga vlogs. Nasabi ng aktres na ang kanyang pahayag dahil umano sa ang tao na ito ay walang awang ini-look down ang tricycle driver.

Diretsahan niyang sinabi na hindi niya gustong makasama si Buknoy sa kanyang mga vlog. Inamin ng aktres na may kunting galit ang aktres sa kay Buknoy matapos ang naging isyu nito.

Nasabi ng aktres na ikinagalit niya ang sinabi ng nasabing influencer dahil nakaka relate siya dahil ang kanyang grandfather ay isang tricycle driver.

Batid ng aktres na naalala pa niya umano ang kanyang mga hindi kanais-nais na naranasan papuntang eskwela sakay ng tricycle dahil minsan na siyang na late dahil hindi agad gumana ang kanyang sasakyang tricycle. 

Sa kanyang recent vlog na “Sagot o Lagot” kasama si Seth Fedelin na kung saan nagbigay siya ng rebelasyon na ayaw niyang makatrabaho o makasama si Buknoy sa kanyang mga vlogs.

"Nasaktan lang ako sa ginawa niya dahil tricycle driver yung lolo ko dati, at minsan nale-late ako kase ayaw mag-start (tricycle), Minsan kapag ihahatid kasama ang classmate ko hindi kami makaalis agad kasi nga ang tagal,” sabi ng aktres.


Pero never ko siyang ikinahiya sobrang proud ako sa lolo ko at sa lahat ng tricycle driver. So nung napanood ko yung video niya. naisip ko kung lolo ko yung pinagsabihan niya nun, Baka sinapak ko na siya." dagdag pa niya.

Si Andrea Brillantes ay isang sikat na aktres na bata pa lang ay mulat na sa mundo ng showbiz na kung saan marami ng mga tao ang kumilala sa kanya. Isa na rito ang tumatak sa isipan ng mga tao ang kanyang pagganap sa role na Marga sa teleserye na Kadenang Ginto.


Kamakailan lang ay may media conference ang aktres para ipromote ang kanyang bagong teleserye mula TFC na “Click, Like and Share.” Sa kanyang conference, nagpahayag siya ng kanyang rebelasyon na minsan ay naging hate niya ang social media ngunit kalaunan ay nagbago din ang kanyang isip.

Ang Kapamilya actress ay nahiligan na ang mga bagong social platforms gaya ng mga TikTok at Musically na kung saan sikat ang aktres dito sa kanyang mga ginawang content. Sinabi rin ng aktres na wala na siyang masyadong projects ang aktres kaya naghanap siya ng iba pang paraan na pwede niyang mapagkakakitaan.


Gumawa ng ingay ang aktres kamakailan lang sa kanyang postna birthday message para sa kanyang lolo na kung saan naging emosyonal ang aktres. Ibinahagi niya ang kanilang mga late memories dahilan ng kanyang pagiging emosyonal.

Nag post din si Andrea ng photo ng kanyang Daddy Jun  na kung saan naglagay siya ng caption na ang kanyang daddy ang nagpapatatag ng kanyang loob at nagturo sa kanya na mag set ng high standards.

Matatandaan rin ang kanyang viral na game stream kung saan napaiyak na lang ang aktres sa dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Hindi niya halos maisip na marami ang naging views nito na aabot sa halos kalahating milyon. Inamin ng aktres na labis ang kanyang pagkahiya sa nangyaring game stream dahil hindi naman siya umano bihasa nito. Ngunit laking pasalamat naman n aktres dahil sa marami ang naka appreciate nito. 

Source: KAMI