Naging viral ngayon ang post ni Dra. Vicki Belo tungkol sa kanyang content sa TikTok na pinost niya sa kanyang Instagram na nagbibigay umano ng paalala sa mga tao sa mga effects na pwedeng maidulot nito kapag ginamit ang nasabing product.

Ayon sa dermatologist, ang pore vacuum cleaners ay nagbibigay ng hindi mabuting epekto sa balat kaysa magbigay umano ito ng magandang epekto. 

Para mas  maging malinaw ang kanyang point, nirepost niya ang isang Tiktok video ng may handle name na jesus 7853 at ang naturang video ay nagpakita ng isang lalaki na labis na namumula ang kanyang mukha na sinabi naman ng lalaki na resulta ito ng paggamit niya ng pore vacuum cleaner.

Nagbigay ng advice si Dra. Belo na kailangan kumunsulta sa isang professional dermatologist kung gusto talaga ng isang tao na matanggal yung mga blackheads at whiteheads kaysa gumamit ng pore vacuum cleaner.

Ipinaliwanag din ng Dra. ang mga repercussions sa paggamit ng pore vacuum cleaner ay maaaring maging severe enough na ang isang tao ay kinakailangan pang mag undergo ng laser therapy. 

Si Dra. Vicki Belo ay isang sikat na dermatologist at television personality. Siya ay founder, CEO at Medical Director ng Belo Medical Group.


Ikinasal siya sa kanyang boyfriend na si Hayden Kho sa Paris noong 2017. Noong May 2016, pinakilala nila ni Belo at Hayden Kho ang kanilang anak na si Scarlet Snow Belo.

Ang kanilang anak na si Scarlet Snow ay sinasabing natapos na nito ang kanyang kindergarten. Maalalang pinost ito ni Hayden ang naging achievements ng kanilang anak. Ibinahagi niya ang isang photo na kung saan nakasuot ang kanilang anak ng graduation gown.

Matatandaang nagkaroon din ng isyu ang doktora nang kanyang ibinahagi ito sa publiko matapos ang kanilang Lie Detector Challenge ni Hayden. Sa isang Lie Detector Challenge sa ginawa niyang vlog kasama ang kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho tinanong na kung siya ba ay tumakbo mula sa kamay ng mga police na siyang itinanggi naman ng Doctora.

Sinabi ni Dr. Hayden Kho sa vlog in joking manner na sinungaling daw si Dra, Vicki Belo dahil alam niyang ito ay nakulong noon. “Hindi ako tumakbo, nakulong nga eh,” yan ang patawang sagot ni Dra. Vicki Belo.

“So dati may Mayor, hindi ko na sasabihin kung sino sa Makati, tapos ‘yung driver ko nag da-drive ng car, kasi may sirang kotse dito, kumaliwa. So ang dami namin nag tu-turn eh galing ‘yung mayor na ‘yun sa kabilang side. So nagalit siya kasi bina-block ng mga tao ‘yung way,” sinabi ni Vicki sa vlog.

Dahil daw sa pangyayaring iyon, sinabi ng mayor na ikulong din siya. Sinabi ni Vicki na nag-enjoy siya sa nangyari bilang bagong experience pero takot siya noong makalipas na ang 10 araw nasa kulungan pa rin siya. 


Tinanong ni Vicki kung kailan siya palalabasin pero sinabihan siya na kapag naaalala raw ni mayor. Walang choice si Vicki kundi manatili muna sa kulungan at iminungkahi pa niya na wala pang cellphone noon. 

Ang insidenteng iyon ay matagal nang nangyayari ngunit hindi pa rin ito makakalimutan ng celebrity dermatologist na nakulong siya dahil sa pagiging pakialamera.

Source: KAMI