Kamakailan lang ay naging trending ang relasyon nila ni Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Samu’t saring komento ang binigay ng mga netizen tungkol sa relasyong Julia at Gerald.

Sa isang heartfelt interview kay Gerald Anderson sa isang ABS-CBN show na “I Feel U,” napag usapan ng host, Toni Gonzaga at ni Gerald Anderson ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. 

May inamin si Gerald na ayon sa kanya ang relasyon nila ni Julia Barretto ay nagbigay ng kakaibang happiness, inspirasyon at motivation sa kanya. Sabi niya na ang ganitong klaseng malalim na pakikipagrelasyon ay marahil maiuugnay sa kanyang maturity sa edad na 32.

“Ibang joy, ibang inspiration, hindi ko rin ma-explain eh,” [aliwanag ni Gerald kay Toni.

Sinabi niya na ang pakikipagrelasyon niya kay Julia ang siyang nagbigay ng motivation sa kanya at kakaiba talaga ang kanyang naramdaman sa panibagong relasyon niya ngayon.

“Parang nabibigyan ako ng bagong motivation. Hindi ko rin alam kung kasama rin sa edad ko, 32 na ako, so iba na.”

Nabanggit din niya na laking pasasalamat niya sa unconditional love ni Julia at ang suportang ibinigay ng girlfriend niya sa kanya. Sinabi niya na feel niya na lagi niyang pwedeng takbuhan at palagi lang nasa tabi niya si Julia at lalo pa siya tinulungan nitong patatagin sa kabila ng mga problema sa buhay.


Unconditional. Talagang, parang alam ko na sa tropa ko sa sundalo, alam kong andyan siya by my side. Siya yung nagbibigay sa akin ng power para ituloy ang laban sa buhay,” sabi ni Gerald kay Toni. 

Kamakailan lang din ikinumpirma ni Gerald at Julia na sila ay officially couple na. Marami rin sa mga netizen ang nagparating ng kanilang mga congratulatory messages nang malaman ng kanilang ang totoong ugnayan ng dalawa. 

Ngunit may iba rin naman na hindi matanggap ang relasyon ng dalawa. Panay ang mga bash at harsh comments sa ini-announce na kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa. Marami rin ang nagbigay ng kanilang espekulasyon na third party ang dahilan ng hiwalayan ni Bea at Gerald.

Si Gerald Anderson ay isang Filipino-American actor at endorser. Siya ay unang nadiskubre sa isang reality show na “Pinoy Big Brother sa kauna unahang “Teen Edition” kasama ang kanyang on and off screen partner na si Kim Chiu na kalaunan ay naging real life partner at naghiwalay din matapos ang apat na taong relasyon. 

Nag viral din ang real life couple matapos ang ina ng aktres na si Marjorie Barretto ay nag upload ng video ni Gerald at Julia. Sa video, makikita na si Marjorie ay binisita ni Julia at Gerald. Masasabing tanggap si Gerald sa pamilya ni Julia base na rin sa kanilang social media posts.

Marami ang naintriga matapos ang bold interview ni Bea Alonzo sa MEGA Entertainment. Sinabi niya doon ang lahat ng mga takeaways niya sa loob ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Hindi pa rin tanggap ng ilan ang lalong lalo na sa mga fans ng Bea-Gerald dahil sa umano’y sinasabing pang go-ghost ng aktor sa dati nitong girlfriend. Marami rin ang nagsabi na may kinalaman si Julia Barretto sa hiwalayang Gerald at Bea. 

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pambabatikos, marami pa rin ang nagpakita ng suporta sa relasyong Gerald at Julia.


Panoorin ang buong video dito!