Maraming mga netizen ang nadurog ang puso matapos mapanood ang kwento ng dalagan na si Clara Matos sa kanilang pagkikita muli ng kanyang ina na mahigit isang dekada na nawalay sa piling ng bawat isa. 

Matatandaang nakilala si Clara nang tinulungan siya ng vlogger na si Virgelyncares na sobrang napahanga niya dahil sa kanyang kasipagan. Ang dalagita kasi ang nagtataguyod sa kanilang mag-ama dahil na-istroke ito.

Kabi-kabila ang raket ng dalaga hanggang nagbunga ang kanyang pagsisikap at nakapagpatayo siya ng kanilang bahay para kanilang mag-ama. 

Dahil dito, maraming mga netizens ang sobrang na-inspire sa kanyang kwento lalo pa noong nalaman ng mga ito na sa edad na 17, siya na ang nagsilbing nagtaguyod para sa kanyang pamilya dahil ang kanyang ama ay na-stroke.

Isa sa mga nakapansin sa kahanga-hangang kwento ng dalaga ay ang On Record GMA News and Public Affairs.

Sa programang iyon niya ibinahagi ang kwento ng kanyang buhay at dito nalaman na anim na taong gulang pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina. Kaya mula noon, ang tanging kasama na lang ni Clara sa buhay ay ang kanyang mama na tumayo din na kanyang ina.

Sa ilang panayam sa dalaga, sinabi niya na sa kabila ng ginawa ng kanyang ina sa kanya, nais pa rin nito makita ni Clara ang kanyang ina na matagal na niyang hindi nakasama.

Subalit nang sorpresahin ito ng GMA News, iba ang nakitang reaksyon sa dalaga. Sa kanyang mukha, parang mababasa na hindi ito natuwa sa muling pagkikita nila ng kanyang ina na mahigit isang dekada na ang nakalipas. 


Masasabi sa kanyang reaksyon na dahan-dahan na niyang ibinaon sa limot o tuluyan na niyang kinalimutan ang kanyang ina dahil na rin siguro sa ginawa ng kanyang ina sa kanilang mag-ama.

Sa recent vlog ni Clara, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit naging ganun na lamang ang kanyang reaksyon noong nakita na niyang muli ang kanyang ina sa pamamagitan ng Zoom application.

"Ang reaksyon ko po ay hindi ko maintindihan.”

 "Dahil ako po ay masaya naman po nakita ko na buhay siya pero hindi maalis sa aking isipan ang pagkagalit ko nang hindi manlang niya ako binalikan para hanapin at mabuo ang aking pamilya,” sabi ni Clara sa kanyang vlog.

Sinabi niya na hindi biro ang ginawang pag-iwan ng kanyang ina sa kanilang mag-ama at grabe ang sakit na naidulot nito sa kanya dahil siya ay maliit pa lamang nang iniwan siya ng kanyang ina.

"Kaya sana naman po, ako ay inyong maintindihan dahil sa hindi ko pagpatawad at hindi ko pagkausap ng mahinahon sa aking ina." 

Si Clara Matos ay isang vlogger mula sa Bicol na unang nadiskubrehan at nakilala ng isang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang Virgilyncares na kalaunan ay tinulungan din siya.

Sa kasalukuyan, may 75,000 subscribers si Clara sa kanyang YouTube channel. Marami ang humanga sa kanya nang malaman ng publiko na nakapagpatayo siya ng bahay sa pamamagitan lamang ng kanyang online business at paglalako ng merienda. 


Panoorin ang buong video dito!