Isang nag trending na naman sa social media ang isang TikToker na pinagkakaguluhan ngayon dahil sa umano’y may kamukhang sikat na artista. Maraming mga netizen ang nahumaling sa ganda ng isang TikToker.

Ang sinasabing sikat na Tiktoker ay isa palang French-Taiwanese na si Lea Dumortier na ka look-alike ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 

Ayon pa sa dalaga, marami na raw ang nagsasabi sa kanya na kamukha niya si Marian Rivera maging sa kanyang videos o sa mga taong nakakita sa kanya.

“Because I get so many Marian Rivera comments…” sabi sa isang TikTok video na na mayroon ng 2.9 million views na may maraming komento na kamukha talaga ng dalaga si Marian Rivera. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen na nanood ng video:

“Ganda, Marian na Marian.”

“May nawawala atang kapatid si Marian.”

“Shaks! Nalito ako dun ah!”

Ilang beses din nabanggit ng dalaga ang pangalan ng Kapuso Primetime Queen dahil na raw sa marami ang mga nakapansin nito sa kanya na magkamukha talaga silang dalaw. Pati na rin sa kanyang sarili, nakikita na rin niya ang resemblance nila ni Marian Rivera. 


“Nobody asked for this but here’s how to look like Marian Rivera I guess," caption niya sa kanyang video habang nag-apply ng make up at umabot na sa 50,000 views ang nasabing video. 

Sa isa pang video, sinabi ng dalaga na bukod na kamukha niya si Marian ay marami rin ang nagsasabing kamukha niya ang Kapuso actress na si Carla Abellana at Kristine Hermosa Sotto. Labis namang natuwa si Lea sa mga natanggap niyang mga komento mula sa mga netizen na nakapanood ng kanyang video.

Sa kabilang banda, naging usap usapan din ang hindi mapigil na pag react ni Marian Rivera sa pinost na selfie workout ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes. 

Marami ding mga ipinost si Marian Rivera na mga photos nila ni Dingdong Dantes. Ilan sa mga nag viral na mga posts niya ay ang mga sweet photos nila ng kanyang mister na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Si Marian Rivera ay isa sa mga pinakasikat na aktres na marami na ring humahanga dahil sa kanyang galing sa pag arte. Matatandaang bata pa lang ang aktres ay pinasok na nito ang mundo ng showbiz at dito nakita pa ang malaking potensiyal ng aktres.


Ikinasal sila ni Dingdong Dantes noong December 30, 2014 at kalaunan ay nagkaroon din sila ng dalawang anak na sina si Maria Letizia Dantes at Jose Sixto Dantes IV o Ziggy.

Source: KAMI