Hindi pa rin matapos tapos ang isyu na pilit iginigiit ng mga netizen sa kumakalat na isyu na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Janice de Belen at Gerald Anderson. Marami ang gumawa ng espekulasyon na may relasyon ang dalawa.

Sinabi ng aktres na hindi naman daw siya na-offend sa mga kumakalat na tsismis at isyu laban sa kanya dahil alam niya bilang artista ay natural na lang para sa kanila ang mga iyon. 

Gayunpaman, kahit alam na niyang natural ang mga kabi-kabilang mga tsismis, hindi pa rin niya nagustuhan ang parte na kung saan pinipilit ng marami na maya namagitan sa kanilang dalawa. 

Ibinahagi ng isang aktor na si Ogie Diaz ang kanyang naging panayam kay kay Janice de Belen at dito itinanong ni Ogie kung na-offend daw ba si Janice de Belen sa mga tanong ng nakararami kung totoo bang may namagitan sa kanilang dalawa  ni Gerald Anderson.

Paliwanag ng aktres na hindi naman umano siya na-offend sa mga ganitong klaseng tsismis dahil lama niya sa kanyang sarili na bilang aktres natural lang ang mga tsismis na iyon para sa kanila.

Ngunit ang hindi lang niya matanggap ay kung bakit marami ang nagtatanong sa kanya sa nakita ng mga netizen sa kanyang Instagram account na umano’y kitang kita na nagtitinda ang aktres as bazar na kung ganun ay mayaman naman ito.


Dagdag niya sa isyung kinasasangkutan nila ni Gerald, sinabi niya kung totoo sana ang isyu, edi sana matatakot siyang ipakita sa publiko at simulang itago ang mga litrato kasama ang nasabing aktor. 

Ayon kay Janice, para sa kanya nakaka offend na imbes matuwa pa sila sa ginawang diskarte ng aktres at naging madiskarte lang siya, hindi niya halos matanggap ang mga pang insulto ng iilan sa kanya.

Dagdag pa niya, hindi naman siya kagaya ni Kathryn Bernardo na na buhos na buhos ang mga proyekto at mga nakaabang na mga endorsement projects kaya kailangan talaga niyang maghanap ng kanyang pagkakitaan maliban sa kanyang pag-aartista.

Matatandaan din ang ginawang panayam ng Magandang Buhay kay Janice na kung saan sinabi niya matinik daw ang aktor na si Gerald Anderson dahil sa mga kumakalat nitong isyu tungkol sa mga naging karelasyon nito.

Dito nilinaw ng aktres na wala talagang namamagitan sa kanila ng aktor. Sinabi niya rito na parang kapatid lang ang turing niya kay Gerald gaya pa ng ibang aktor na naging close na niya sa mundo ng showbiz. 

Sa kasalukuyan ay ibinahagi ni Janice ang kanyang mga kaganapan sa buhay sa pamamagitan ng social media accounts at sa kanyang YouTube channel na kung saan ipinakita niya ang kanilang kitchen.


Si Catherine Janice Yap de Belen o mas kilala bilang Janice de Belen ay isang aktres, commercial model at TV host. Dito, nagsimula ang kanilang tambalan ni John Estrada at dati na silang ikinasal ng aktor.

Sumikat siya nang husto sa kanyang teleseryeng pinagbibidahan na Flordeluna na nag ere noong 1979 hanggang 1984.

Source: KAMI