Marami na ang na inspire at nahumaling sa relationship ng celebrity couple na sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil umano sa kanilang relationship goals. Marami na ang pinakilig ng couple na ito sa kanilang nakakaantig na relasyon.

Nitong May 5 lang ay ipinagdiriwang ng celebrity couple ang kanilang 9th anniversary bilang magkasintahan. Marami na ang kinilig sa lahat ng sumubaybay sa relasyon ng couple na ito sa loob ng 9 years.

Hindi maitatanggi na talagang taun-taong inabangan ng milyun-milyong KathNiel fans kung paano ito i-celebrate ng Kapamilya couple ang ang isa sa mga espesyal na araw para sa kanilang dalawa.

Marami na ang nagsasabi na sakto na ang tagal ng kanilang relasyon upang pasukin ang mundo ng pag-aasawa. Ang mga fans ng KathNiel ay hindi na talaga makapag antay na marinig mismo sa kanila ang opisyal na anunsyo para sa kanilang kasal.

Bukod sa kanilang tatag at tagal ng relasyon, parehong ang celebrity couple ay financially stable na dahil sa kanilang mga maraming investments at maaari nang magsimula ng kanilang sariling pamilya.

Ayon ni Daniel at Kathryn, inamin nilang napag usapan na nila ang mga bagay bagay tungkol sa kasal at ang kanilang future together pero sa ngayon ay wala pa sa kanilang top priorities ang pagpapakasal dahil gusto muna nilang paghandaan nang buo ang pagpapakasal at pagbuo ng kanilang pamilya. 

Sa chikahan na naganap sa pagitan nila ni Kathryn at Robi Domingo na mapanood sa bagong vlog ng TV host sa kanyang YouTube channel, naibahagi ni Kath ang mga plano nila ni Daniel kung sakaling dumating na ang tamang panahon ng kanilang pagpapakasal.


Sinabi ng aktres na kailangan muna nila magkaroon ng sariling bahay bago sila bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Kasi feeling ko once you’re married and you are starting a family na or ‘yung relationship na ‘yon on a deeper level, I think you need your space,” pahayag ng Box-Office Queen.

Aniya pa, “Kasi gusto ko enjoy muna namin. Hindi kami naka-travel ngayon, so ‘yun ang gagawin. Then once I’m ready, once we’re ready, no pressure naman na magbe-baby agad after.”

Sinabi rin ni Kath na hindi dapat diktahan o pakialaman ang mga tao sa kanilang desisyon lalong lalo na sa mga personal na plano ng isang tao gaya ng pagpapakasal.

Iba-iba ‘yung couple, kanya-kanyang time ‘yan. We’re taking it day by day kung ano man ang mangyayari,” sey ni Kathryn.

Sa panayam kay Daniel, sinabi naman ng aktor na hindi siya nagmamadali at hindi niya minamadali ang kanyang kasintahan na magpakasal. “Pero ang sa akin lang, ‘wag lang tayong mali-late. ‘Yon lang ang sa akin.

“Alam mo na ang sinabi ko sa ’yo. Minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo napapansin napag-iwanan ka na.

“Minsan, puro na lang tayo, ‘Gusto pa natin ‘to, gusto pa nating gawin ‘to.’ Magigising ka na lang, tapos sasabihin mo sa sarili mo, ‘Naiwan na ako.’


“Kapag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo dapat, ‘di ba? Hindi na tayo pwede ma-late pa dun. Mahirap ‘pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi nababalik ang oras,” paliwanag naman ni DJ.

Ayon pa sa couple, hangad nilang magkaroon ng dalawang anak kung sila ay tapos ng ikasal at plano ng bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Source: inquirer