Hindi pinalampas ng aktres, komedyante, at singer na si Kim Molina ang isang basher na nilait ang kanyang boyfriend at kapwa aktor na si Jerald Napoles.

Sa kanyang official Facebook page, masaya at natatawang ibinahagi ni Molina ang tungkol sa pagkakaroon umano ni Napoles ng action figure. Dito ay ishinare niya ang poster ng 2018 film na “Ang Pangarap Kong Holdap” kung saan kasama sa cast si Napoles. 

“ACTION FIGURE NA JOWA KO! Ito na babalian ko pag galit ako sayo Jerald!!! LOLjk1,” ang pabirong ani pa nga ni Molina tungkol dito.

Maraming mga netizens at tagasuporta naman ang natawa din sa ibinahaging ito ni Molina. Positibo ang naging komento ng mga ito kung saan karamihan ay papuri tungkol sa naturang pelikula na kinabilangan ni Napoles.

Ngunit, mayroong isang netizen na naiiba ang reaksyon sa marami. Di gaya ng iba, panlalait ang naging sentro ng komento ng netizen na ito sa post ni Molina. Dito, tinawag niya lang naman na “pangit” si Napoles at ikinumpara pa sa mga “basurero”.

“Panget ang putcha! Mukhang basurero hahaha,” ang komento pa ng naturang basher.


Hindi naman nakaligtas kay Molina ang pambabash na ito ng netizen sa kanyang boyfriend. Kaya naman, hindi ito pinalampas ng aktres at sinagot ang panlalait nito kay Napoles.

Dito, idiniin ni Molina na walang masama sa pagiging basurero o sa pagkakaroon ng maitim na kulay. Ibinalik din nito sa basher ang naging panlalait nito kay Napoles sa pamamagitan ng isang tanong. 

Heto ang naging buong sagot ni Molina sa naturang basher:

“May problema ka sa mga basurero? Walang masama sa marangal na trabaho ng mga ‘yun. May problema ka sa maitim? Wala ring masama sa kung anong kulay ng tao…

“Pangit? Gwapo ka? Asking lang.”

Maraming mga netizen naman ang natawa sa paraan ng pagsagot na ito ng aktres sa mapanlait na netizen. Suportado ng mga ito si Molina sa pagtatanggol sa karelasyon at sa pagsupalpal nito sa naturang netizen. 

Ani ng mga ito, mapanghusga at marahil ay inggit lamang umano ang naturang netizen kaya nararapat lamang umano para rito ang sagot ng aktres. Hindi naman ito ang unang beses na mayroong sinagot na basher si Molina. Minsan ay umalma na rin ang aktres sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang mag-body shame sa kanya.

Samantala, heto pa ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen tungkol sa ginawang pagsagot ni Molina sa naturang mapanlait na netizen:

“Okay nang pangit. At least may trabaho, sumasahod, at higit sa lahat, may nagmamahal.. Support to you Ms. Kim and Mr. Jerald.”

“Daming mapanghusga sa world grabeeee !!!! May covid na nga mga bulok pa rin utak ng mga bashers na yan !!!!”


“His comedic timing though is impeccable, apakatalinong tao pa n'yan plus mas maganda pa katawan nito sa mga artistang mukha lang ang puhunan tapos wala pang ka-talent talent.”

“Makapangit?!? Yun na pala basehan ng pagkatao ngayon. At least sila, talented, kind,humble and productive. Yung iba nga dyan ganda at gwapo nga, puro porma lang at yabang sa socmed… Saka na magyabang kapag kaya mo ng magbayad sarili mong bills at buhayin sarili bago ka mag-inarte sa life.”

Source: facebook