Ang Mother’s Day ay ginawa para mabigyan ng pasasalamat ang mga nanay natin na sobra ang sakripisyo at pagmamahal simula noong tayo ay nasa sinapupunan pa lamang. Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, marami ang posts na kumakalat sa social media na sinusurpresa ng mga anak ang kanilang mga nanay.

Isang netizen na nagngangalang Ga Ni  ang nagbahagi ng photo sa kanyang inihandang surpresa para sa kanyang ina sa isang restaurant na kitang kita ang mga bulaklak sa mesa at mga masasarap na pagkain.

Sa kagustuhan niyang isurpresa ang kanyang ina, ginawa talaga niyang espesyal ang araw na iyon kaya na lamang niya naisipan na gumawa ng ganung set up. 

Ang set up ay tila ba na sobrang “perfect” sana kaso nga lang kitang kita rin ang bakanteng upuan na nakareserve sana para sa kanyang ina.

Ngunit, nag hintay siya ng almost an hour para lang masurpresa ang kanyang ina at tinawagan niya ito ng ilang beses pero palaging ini-off ng mom niya ang phone nito at tila ba ayaw sagutin ang mga tawag niya. 

Ibinahagi rin ni Ga Ni ang kanyang pagkalungkot noong hindi siya sinipot ng kanyang ina at sabi pa niya na nasayang lang ang ang kanyang time at effort dahil hindi rin naman siya sinipot ng kanyang ina. 

Narito ang buong post ni Ga Ni:


Alam mo yung tipong gusto mo supresahin yung mama mo para mapasaya sya dahil Mother’s day yung gusto mo sya eihh date ng kayong dalawa lang kasi gusto nya maranasan makatanggap ng Bulaklak galing sa anak nya. ang sakit sa paki ramdam na tinatawagan ko sya tapos hindi raw sya pwdi dahil nasa kaibigan daw sya ngayon habang nag sasaya naririnig mo nag papatugtog ikaw itong anak na nag effort para mapasaya sya tapos pinapatayan kapa ng cellphone ayaw kang makausap .nag antay ako ng isang oras galing work walang pahinga para lang ma ei date ko nanay ko ang sakit sa feeling na nasayang ung effort mo para sa nanay mo kasi hindi daw sya pwedi ano nga ba pakiramdam ng pag mamahal ng isang ina hindi ko kasi dama lagi nalang ganito." 

Gusto lang sana ni Ga Ni na iparamdam sa kanyang ina na mahalaga at minamahal siya sa pamamagitan ng kanyang ginawang surpresa at nabanggit din niya na minsan lang daw sila nagkikita ng kanyang ina.

Nang ibinahagi ni GaNi ang kanyang photo na nag selfie siya kasama ang mga kitang kita ang kanyang pagkalungkot at makikita rin sa kanyang ibinahaging larawan ang ginawa niyang pag edit sa kanyang photo ng “stickman” na siyang nakareserbang upuan sana para sa kanyang ina.

Karaniwan sa atin ay gumagawa talaga ng paraan kahit gaano kasimple para lang masurpresa ang ating mga dakilang ina lalong lalo na sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day.

Kaugnay sa istoryang ito, may mga nag trending din na mga celebrities na sinorpresa ang kanilang mga nanay sa Mother’s Day. 


Isa sa mga celebrities ang nag trending sa kanyang Mother’s Day post ay si Heart Evangelista na marami ang nakakuha ng atensyon sa short but sweet message nito. Bukod sa kanyang mensahe, marami rin ang nakapansin sa kanyang “ageless mom.”

Source:KAMI