Isa ang aktres na si Bea Alonzo sa napag-usapan ng host at komedyanteng si Ogie Diaz at ng co-host nitong si Mama Loi sa pinakabagong vlog na kanilang ibinahagi.

Bago ito, naglabas ng “Never Have I Ever With My Mom” vlog ang aktres na si Bea kasama ang kanyang nanay nitong Mother’s Day. Dito, marami ang naintriga at nagulat, kabilang na ang nanay ni Bea, matapos nitong sagutin ang isa sa mga tanong.

Sa tanong na “Never have I ever nakipaglambuchingan o nakipagmake-out sa loob ng kotse”, “I Have” o naranasan na niya ito ang naging makatotohanang sagot ng aktres na talaga namang ikinabigla ng kanyang ina.

“Oh my God! Bea Alonzo! Bakit,” ang pabirong naging reaksyon pa nga rito ng kanyang nanay.

Kaya naman, maging sina Ogie at Mama Loi ay naiintriga rin umano kung sinong naging boyfriend ng aktres ang tinutukoy niya rito. Ngunit, pabirong ani naman ni ulit ni Ogie tungkol dito,

“Oh, eh ano naman? Malay naman natin kung ang rason ni Bea ay ‘nag-social experiment’ lamang. Charot!”

Kaugnay nito, mayroon namang nakakagulat na ibinunyag ang komedyante tungkol umano sa isa sa mga naging karelasyon dati ni Bea. Ayon kay Ogie, mayroon umanong isang nakarelasyon dati ang aktres na nanghingi raw dito ng “nude” pictures na hindi naman umano pinagbigyan ni aktres.

Kaya naman, pinuri rito ng komedyante si Bea dahil matalino umano ito at hindi sinunod ang hiningi ng dating karelasyon. Paglilinaw naman ni Ogie, hindi niya umano alam kung sinong ex-BF ito ni Bea basta’t minsan niya lamang umano itong nabalitaan.


“Ang alam ko noong araw, jusko, buti nalang matalino si Bea. Kasi dati, nabalitaan ko lang… ewan ko kung sino, na noong nagkaboyfriend si Bea ay mayroon isang ex niya… hindi ko alam kung sino ‘ha, ay nagrerequest ng “nude picture” ni Bea…

“Pipicturan… ganun. Buti hindi bumigay si Bea,” pagbabahagi pa ni Ogie tungkol dito.

Dagdag ani pa nito, dahil mga artista naman umano ang mga dating nakarelasyon ng aktres, marahil ay artista rin umano ang kanilang tinutukoy dito na aktor. Ang rason daw kasi ng naturang aktor kay Bea, sa tuwing magkakasabay ang kanilang trabaho ay iyon na lamang daw ang kanilang titingnan.

“Ang rason daw ‘nung guy, eh para ‘pag hindi sila magkita at may taping sila pareho ay ‘yun na lang daw tinitingnan. ‘Yung hubad na larawan ni Bea,” ani pa ulit ni Ogie.

Ngunit, muling paglilinaw ng komedyante, naibalita lamang umano ito sa kanya kaya maaaring hindi umano ito totoo o kumpirmado. Mayroon lamang umano nagsabi sa kanya na mayroong ganoong nangyari at hindi niya rin umano alam kung sino ang naturang aktor.

Samantala, kaugnay ng naturang paksa ay nagbigay naman ng payo si Ogie sa iba pang mga artista rin o mga magjowa na gumagawa nito. Payo ng komedyante sa mga ito, mag-ingat umano bago magdesisyong gawin ito dahil hindi naman umano nila alam kung ang kasalukuyan nilang karelasyon ay panghabangbuhay na.


“Dapat mag-iingat tayo kasi hindi natin alam kung ‘yun bang boyfriend natin or girlfriend natin ay panghabangbuhay nating kasama. Pero mas maganda, ‘wag na tayong magdalawang isip. Huwag nang magpadala at all,” saad pa ni Ogie. 

Panoorin ang buong video dito!