Trending na trending ngayon ang recent vlog ni Ogie Diaz dahil sa kanyang kontrobersyal na pag reveal sa isang sikat na aktor tungkol sa kinasangkutang isyu nito laban sa isang businessman.

Sa kanyang recent vlog na “Anong Meron” sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi, pinag-usapan nila ang isang aktor sa panibago na namang isyu nito.

Unang tinanong ni Ogie Diaz si Mama Loi at ang manonood kung ano nga ba ang ganap kay Tony Labrusca at kasunod nito ay binanggit ni Ogie na sinungaling nga ba ang nanay ni Tony Labrusca.

Sinabi sa video na may nakasagutan raw itong si Angel Jones na nanay ni Tony Labrusca na isang kilalang businessman na nagngangalang Drake Dustin Ibay. Si Drake Dustin ay nagnenegosyo ng mga jewelries.

Agad ibinunyag ni Mama Loi na may nangyari ng gabing iyon matapos nagkayayaan ng inuman bago sumalang si Tony Labrusca sa lock-in.

“May nangyari ng gabing iyon na nagresulta ng pagpapa medico legal at lumabas ngayon sa balita na si Tony Labrusca yung may ano, may dahilan,” sabi ni Mama Loi sa kanilang vlog.

Ayon sa naging post ni Dustin Ibay, pinalabas niya na sinungaling umano ang nanay ni Tony Labrusca. Sa kanyang online post, ibinahagi niya na nagkaroon umano ng “twists” sa mga naging pahayag din ni Angel Jones. 

Narito ang buong pahayag ni Drake Dustin Ibay tungkol sa naturang isyu.



The following day, Angel sent a length message twisting the story. Saying they were the victims. Actually we were letting it go thinking about it like a friendly fight in the club. But our lawyers were good and advised us to do all the medico legals etc. Because the message was fishy.

So after we did all those necessary work and gathered all the videos which captured all that transpired that night to prove the opportunist woman wrong. The tone changed and asked to invite us for dinner because “misunderstanding. Class Act.

Sa kalagitnaan ng video, nabanggit din ni Ogie na kakasuhan daw si tony ni Dustin ng Ibay ng “Acts of Lasciviousness” dahil umano sa ginawang panghuhubad ni Tony Labrusca sa kanyang friend.

[Article 336. Acts of Lasciviousness. Any person who shall commit any act of lasciviousness upon other persons of either sex, under any of the circumstances mentioned in the preceeding article shall be punished by prison correctional]

Nabanggit din ni Ogie sa kanyang vlog na madaling mag-init ang ulo ni Tony Labrusca. Matatandaang may naging isyu na noon ang aktor na napaaway airport na dahilan ng kanyang panandaliang pagka detain.

Kaya ganito na lamang ang naging sagot ni Ogie nang tanungin siya ni Mamam Loi na sa kanyang palagay ba ay may kapasidad ba si Tony na gawin ang mga bagay na ibinabato sa kanya?

“Sa tingin mo, meron bang kapasidad si Tony na gawin yung mga binabato sa kanya?” tanong ni Mama Loi. 


“Well, kung yung init ng ulo dahil nabalita na siya pwede nating isipin diba na capable si Tony sa ibinebentang ni Drake, sagot naman ni Ogie kay Mama Loi. [non verbatim]

Sinabi naman ni Ogie Diaz na sana ay matapos na ang isyu ito dahil nakakasira umano ito sa imahe ni Tony.

Panoorin ang buong video dito!